Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nigerian nilimas ng holdaper

ISANG 24-anyos Nigerian national ang hinoldap sa isang pampasaherong jeep ng dalawang armadong lalaki sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Nakulimbat sa biktimang si Chibuzor Maduforo, 24, ng 20 Sesame St., Amado Tapuc, Dagupan, Pangasinan, ang kanyang cell phone na nagkakahalaga ng P5,000, US$1,800 at Alien Student Card.

Sa reklamo ng biktima sa pulisya, dalawa pang pasahero ng jeepney ang nabiktima ng mga suspek ngunit  hindi na naghain ng reklamo.

Sa imbestigasyon ni PO2 Catalino Gazmen, Jr., ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, pasado alas 3:00 ng madaling araw nang maganap ang panghoholdap sa kahabaan ng EDSA bago sumapit sa Magallanes Interchange.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-7) ng Pasay police pero bigo silang masakote ang mga suspek.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …