Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay model todas sa bugbog ng Kano

111513 aiko baniqued moore
ARESTADO sa mga tauhan ng Makati Cty Police Investigation Section ang American national na si James Edward Moore II na pinatay sa bugbog ang misis niyang Filipina model na si Aiko Baniqued Moore sa kanilang unit sa Rockwell Amorsolo West condominium sa Makati City. (ALEX MENDOZA)

BINAWIAN ng buhay ang isang 28-anyos Filipina model makaraang bugbugin ng kanyang Amerikanong mister.

Si Aiko Baniqued Moore ay isinugod sa Makati Medical Center kamakalawa ng gabi ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Ang suspek na apat taon nang mister ng biktima, na si James Edward Moore II, aka Jim Moore, ay nadakip ng mga security guard ng Rockwell Amorsolo West.

Ayon kay Anna, best friend ni Mrs. Moore, ipinagtapat sa kanya ni Aiko na madalas siyang bugbugin ng kanyang mister.

Ang pinakahuling insidente ay dakong 4 p.m. kamakalawa sa unit 4-G ng Rockwell Amorsolo West condominium, kung saan nakatira ang mag-asawa.

Aniya, sinabi ng mga pamangkin ng biktima na sina Cristina Rose, at Marvin Sunga, personal assistant ng biktima, nasaksihan nila ang suspek na binubugbog ang kanyang misis at iniuuntog ang ulo sa pader at pagkaraan ay pinosasan ang biktima.

Pinakawalan ng mga testigo ang biktima ngunit hinabol siya ng kanyang mister at nahuli malapit sa condominium elevator. Anila, muling iniuntog ng suspek ang ulo ng biktima sa pader.

Mabilis nakapagresponde ang security personnel ng condominium at tumawag ng ambulansiya para sa biktima.

Tumakbo ang suspek patungo sa kanilang unit at nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang lalamunan.

Isinugod ng mga pulis ang suspek sa Ospital ng Makati para malapatan ng lunas at mahigpit na binabantayan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …