Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 coed hinalay ng akyat-bahay

PAGBILAO, Quezon – Pinagnakawan na, ginahasa pa ang dalawang babaeng estudyante ng dalawang lalaking nanloob sa kanilang kwarto sa boarding house sa Brgy. Poblacion sa bayang ito kamakalawa.

Itinago ang mga biktima sa pangalang Myra, 16, at Mylene, 17, kapwa nanunuluyan sa nabanggit na boarding house sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 1 a.m. nang pasukin ng dalawang suspek ang kwarto ng mga biktima habang mahim-bing silang natutulog.

Hindi nakapalag ang mga biktima nang kapwa tutukan ng baril at kapwa sila halinhinang ginahasa.

Pagkaraan ay tinangay ng mga suspek ang cellphone at P1,000 cash ng mga biktima.

Ngunit sa follow-up operation ng mga awtoridad, agad nadakip ang mga suspek na sina Leo Sevilla Navarro, 24, at Josua Delen De Los Reyes 18, kapwa residente ng na-sabing bayan.

Ang mga suspek na nakapiit sa lock-up jail ng Pagbilao PNP, ay nahaharap sa kasong robbery wth rape.

(RAFFY SARNATE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …