Monday , December 23 2024

Bumabaha ang tulong para sa ‘Yolanda’ victims

MARAMING, maraming salamat sa mga bansang nagbigay ng tulong para sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda sa eastern Visayas.

Dalawampu’t limang bansa na ang nagpadala ng tulong. Pinakamalaki ang mula sa United Kingdom, European Union, Estados Unidos, UAE, Norway, Australia, Canada, Germany, Denmark, Japan, Canada, Germany at iba pang Asian countries na mahigit na umano sa P3-bilyon piso. Patuloy pang dumarating ang mga tulong-rescue team, relief goods at financials.

Sana lang ay makarating talaga ito sa mga biktima ng delubyo lalo na sa Leyte partikular sa Tacloban City na parang dinaanan ng pison ang kabahayan sa coastal at residential areas na gawa sa light materials ang mga bahay. Sabi ng alkalde ng lungsod, 90% devastated ang Tacloban City.

Pasalamatan din natin ang ating mga kababayan na nag-aambag-ambag para sa relief goods na idinaraan sa mga foundation ng TV networks.

Salamat po sa inyo…

Pero ang gusto natin marinig ngayon ay ang ating mga senador at kongresista. Gusto natin marinig sa kanilang mga bibig na ibibigay nila sa Yolanda victims ang kalahati ng kanilang pork barrel. Ang senador ay may P200-M -habang ang sa kongresista ay P70-M kada taon na nabulgar na sa pekeng foundations lang pala nila ito ipinadadaloy. Search the P10-B pork barrel scam ni Janet Lim Napoles.

Gusto rin natin ngayon marinig kay Pangulong Noynoy  Aquino ang malaking bahagi ng kanyang kontrobersiyal na DAP (Disbursement Acceleration Program) at presidential fund na halos isang trilyon ay i-release sa mga biktima ng delubyo, kaysa ipamahagi sa mga buwayang mambabatas. Amen!

Ang taong gutom at nauuhaw

ay walang kinikilalang batas…

Ganyan ang nangyayari ngayon sa ating mga kababayan sa Tacloban City at mga karatig lungsod sa Leyte na dinaanan ng delubyong Yolanda.

Puwersahan nang pinapasok ng mga tao ang mga -pamilihan para makakuha ng pagkain, tubig at mahahalagang gamit para mabuhay.

Inuunawa na lang sila ng mga awtoridad na ang binabantayan ay para hindi sila magkagulo o magpatayan. -Kinompiska ng mga pulis at sundalo ang mga deadly -weapons na maaaring magamit sa krimen.

Sa taong nagugutom at nauuhaw, walang kinikilalang batas.

Maging mahinahon lang po tayo, mga kababayan… may awa ang Diyos, manalig tayo at tiyak makababangon tayo… Amen!

Vice Mayor na nagpapatalo

ng hanggang P20-M sa casino!

Napakasugapa na talaga sa casino ng isang vice -mayor sa Metro Manila.

Mantakin ninyo nagawa niyang magpatalo ng P12-M sa -Solaire Casino at P20-M sa Resort World Casino.

Saan niya kinukuha ang napakalaking halagang ito na ipinangsusugal?

Posibleng ito’y galing sa kanyang napakaraming “ghost -employees,” intelihensya sa mga ilegal na sugal at timbre sa mga illegal parking at vendors?

Nakatatakot ang ganitong klaseng public official. Hindi na siya dapat pang bigyan ng pagkakataon sa 2016.

Pesteng GSIS, walang sistema…

– Naku, Mr. Joey Venancio… sa galit ko sa mga taga-GSIS nagpipigil lang ako. Noong hindi pa ako retirado, ‘yung -unlimited insurance ko salary deduction ang pagbayad, lumabis pa nga ang binayaran ko. Sumunod nang mag-mature yaong policy ko, ibinawas ulit sa P20K na dapat kong tanggapin. Yaong P20K naging mahigit 6K na lang. At lalong masakit nang magretiro ako sa Sta. Maria, Bulacan muntik akong mapamura kung hindi ko lamang naalala na anak ako ng Ama sa Langit aysus Ginoo po talaga … akalain ninyo ibinawas ulit sa dapat kong matanggap na lump sum yaong P13K+. Nagreklamo ako. Sabi  ng nakausap ko, i-reclaim ko na lang raw ulit. Imagine … tatlong ulit kong binayaran ‘yung P13K+. Nakatutuwa talaga ang GSIS ano? Ang napansin ko, hindi centralize ang rekord nila. Kasi bawat lapitan ko na opisina hindi pa ako bayad. May araw rin sila sa amin ng aking Ama sa Langit! – 09175212059

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *