Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tiger Run wagi sa Grand Sprint Championship

Tinanghal na “Sprint Champion ang alaga ni Mandaluyong City Mayor Benjamen “Benhur” Abalos matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban sa katatapos na Grand Sprint Championship  na ginanap sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite noong Linggo.

Isang nakapipigil hiningang photo finish na panalo ang naitala ng Tiger Run laban kay Don Albartini sa 1,000 meters na karera.

Ang Tiger Run na bumenta lamang ng mahigit na  P10,000  ay pinatnubayan ni Jockey Jonathan Hernandez ay naoras ng 1 minuto  laban sa anim pa kalahok.

Sa umpisa ng karera matapos magbukas ang starting gate, agad kinuha ng Tiger Run ang unahan habang pilit na humahabol ang  nallamadong Sharpshooter.

Naging mahigpit ang labanan sa unahan ng dalawang mananakbong local subalit hindi bumitaw ang dehadong alaga ni Mayor Abalos. Sa  huling 300 meters ay  bumitaw na ang Sharpshooter  habang paparating naman ang iba pang kalahok na si Don Albartini, Si Senior at Lord of War.

Halos magkasabay na dumating ang dalawa nang tawirin ang finishing line. Sa isang photo finish nanalo ang Tiger Run.

Tumataginting na P600,000 na naiuwing premyo ng Tiger Run, at panibagong tropeo naman ang nakolekta ni Mayor Abalos bilang may-ari ng   Sprinter King.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …