Friday , November 22 2024

Misis na barker sinapak ng parak (P20 tong ‘di naibigay)

ATTEMPTED robbery extortion at slight physical injury ang ikinaso ng  30-anyos na ginang laban sa isang pulis kaugnay sa panggugulpi sa kanya nang mabigo siyang ibigay ang P20 tong sa Pasay City kamakalawa.

Sa inihaing reklamo sa tanggapan ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay Police, sinabi ni Mary Lyn Casero,  taxi barker sa EDSA/Rotonda, residente ng 2976 Mahogany St., nagtatawag siya ng pasahero dakong 9:00 ng umaga noong Linggo, nang lapitan siya ni PO3 David Quejada, nakatalaga sa tanggapan ng Deputy Chief of Police for Administration (DCOPA) at hinihingi ang regular na P20 tong.

Ani Casero, wala pa siyang pera noong mga oras na ‘yon, na ikinairita umano ng pulis at pinagsalitaan siya ng masasakit na kanyang sinagot.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo, sinampal umano ng pulis ang ginang pero hindi nagpatalo si Casero at siya’y nanlaban.

Nagawa pa umanong itulak ni Casero ang nakaparadang motorsiklo ng pulis na lalong ikinagalit ng suspek kaya pinagbubugbog ang ginang.

Naawat lamang ang pulis nang mamagitan ang biyenan ng biktima na si Rosalinda Casero, na naghatid kay Mary Lyn sa Pasay City General Hospital upang ipagamot ang mga sugat at pasa ng manugang.

Inatasan ni Senior Supt. Michel Amos Filart, hepe ng Pasay City Police si Chief Inspector Goforth na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa reklamo ng ginang laban kay Quejada.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *