So we say with confidence, “The Lord is my helper; I will not be afraid. What can man do to me?”
HETO na ang sinasabi ko, talagang magiging magulo ang takbo ng pamamahala d’yan sa Bonifacio shrine matapos okupahan ng sangkatutak na paninda mula sa hinakot na mga vendor mula Baclaran area.
Isang alyas Sultan Aiman Acman pala ang nangunguna sa pamamahala ng mga tent ng mga vendor, kaya naman nakalatag ang lahat ng klase ng paninda sa shrine sa Arroceros.
***
NGAYON, umaalma na raw ang management ng SM Manila dahil sa pagsulpot ng sangkaterbang mga paninda sa Bonifacio shrine.
Unti-unti na raw kasi bumababa ang sales ng SM Manila dahil sa pagkakaroon ng mga paninda rito.
***
HALOS lahat ng paninda mayroon sa SM Manila ay makikita mo rin sa mga paninda sa tents.
Hamak na malaki ang agwat ng presyo ng paninda sa tent kaysa loob ng SM Manila. Apektado na raw ang boutique shops atrestaurants sa SM Manila dahil nababawasan na raw ang kanilangcustomers sa paglitaw ng iba’t ibang uri ng kalakal sa Arroceros area.
***
NAKU, mukhang maiipit sa nag-uumpugang bato si Presidente Erap kapag nagkataon. Kaibigan niya ang pamilya ni Henry Sy, na siyang may-ari ng SM, kaibigan rin niya ang humingi ng pabor na makuha ang Bonifacio shrine para sa mga kapatid nating vendors na Muslim.
Saan kaya lulugar si Presidente Erap? Hindi rin kasi lubos na alam ni Presidente Erap ang takbo ng tiange cum peryahan na ito sa shrine dahil minaniobra ito ng ilang personalidad na nakapaligid sa kanya.
Malaking problema ito ni Presidente Erap!
***
SA totoo lang, hindi naman mga taga-Maynila ang tunay na nakikinabang d’yan sa tiange cum peryahan sa Bonifacio shrine, kundi mga dayo.
Masyado pang binaboy ang shrine ni Gat Andres Bonifacio. Sinakop ang lahat ng bangketa ng mga tents kaya wala nang malakaran ang pedestrians.
***
KAPAG isinara ng SM Manila ang kanilang mall, malaking kabawasan ito sa buwis ng city.
Marami rin ang mawawalan ng trabaho, babagsak ang negosyo sa Lungsod dahil sa pagsasara ng mall. Hihina ang kompiyansa ng mga negosyante, babagsak ang popularidad ni Pangulong Erap.
Naku, t’yak malaking gulo ito sa hinaharap!
DIVISORIA VENDORS,
PUMAPALAG NA RIN!
HETO pa ang isa, umaalma na rin pati mga Kabarangay nating vendors sa Divisoria dahil sa ipinatutupad na night market.
Sa kaso naman nila, halos nalulugi na ang kanilang hanay dahil wala naman bumibili sa kanilang paninda sa ipinatutupad na 6pm to 6am sistema ng city hall.
***
MALINIS nga ang daraanan mo mula sa Jose Abad Santos atRecto, pero marami naman ang nagugutom at napeperhuwisyo dahil sa kapalpakan ng sistema.
Alam din ng inyong lingkod na nasulsulan lamang siPresidente Erap na maipatupad ang sistema na ito gaya ng bus ban policy na hindi nalalaman ng Pangulong Erap na total bus banpala ang nais ipatupad ng city council.
Kaya ang nangyari, binaligtad ni Presidente Erap ang polisiya!
***
SUHESTYON lamang ito ng abang Lingkod, bakit hindi muna magsagawa ng konsultasyon sa lahat ng apektadong sector bago magpatupad ng bagong patakaran o sistema.
Hindi naman masama ang konsultasyon, ito ay upang maiwasan ang paggiging magulo kapag naipatupad na ang programa.
Win-win solution lang dapat!
MBB CHIEF PAYAD,
MAG-RESIGN KA NA
PLEASE LANG!
MARAMI ang nagpadala ng mensahe sa atin mula nang ilabas natin nitong Martes ang panawagan na dapat pa bang manatili saManila Barangay Bureau (MBB) si Jesus Payad bilang officer in charge?
Lahat sila ay nagsasabi na patalsikin na si Payad sa MBB dahil bukod sa kawalan niya ng sapat na educational attainment upang mamuno sa gobyerno ay walang modo pa bilang opsiyal ng MBB.
***
KUNG walang kahihiyan si Payad, talagang kapit-tuko siya sa kanyang puwesto, pero kung may natitira pa siyang delicadeza, aba, mag-resign ka na d’yan!
Public office is a public trust, pero maraming barangay officials ang galit na galit na sa mala-diktador na pamamalakad mo sa MBB. Gusto nila ang isang hepe na may malasakit sa kanilang kapakanan at higit sa lahat ‘matino’ kausap.
Aba, sa lahat ng Jesus ang pangalan ikaw lang daw ang Hesusmaryosep!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos