Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Im Perfect

Sylvia Sanchez, napa-mura ng ‘PI’ nang nakita ang teaser ng MMFF entry na “I’mPerfect”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TIYAK na babaha ng luha sa mga sinehan sa December 25 sa mga manonood ng pelikulang “I’mPerfect.” Sa mediacon pa lang ay nag-iiyakan ang cast, mga veteran actors nito, ang mga tampok na young actors dito, mga parents nila, at pati mga taga-entertainment media mismo.

Ang I’mPerfect na mula sa premyadong direktor na si Sigrid Andrea Bernardo, ay isa sa entries sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2025.

Tampok dito sina Joey Marquez, Janice de Belen, Tonton Gutierrez, Zaijian Jaranilla, Sylvia Sanchez, at Lorna Tolentino. Pinagbibidahan ang pelikula ng mga newbie na sina Earl Amaba at Krystel Go, na kapwa may Down Syndrome. Kasama rin sa cast ang iba pang persons with Down Syndrome

Nagkuwento ang aktres/producer kung paano napunta sa kanya ang pelikula. After daw mag-pitch ng two projects si Direk Sigrid at hindi ito nag-materialize, nagbigay daw ng ibang kuwento sa kanya ang direktor.

Pahayag ni Ms. Sylvia, “Sabi niya ay tignan ko raw ito at tumabi ako sa kanya. So, pagbukas niya ng laptop, honestly, unang eksena ay iyong apat – persons with down syndrome. Honestly, iyong reaction ko roon, napa-PI ako. Tapos sabi ko, ‘direk, iyan ang ipo-produce ko,’ Pero hindi pala siya naniwala.”

Pagbabalik tanaw naman ni Direk Sigrid kung paano nabuo ang script at pelikulang ito. Na nang may na-meet daw siyang person with Down syndrome, nag-immerse siya sa kanila at nagulat siya sa kakayahan nila. Kaya nag-volunteer si Direk na mag-conduct ng acting workshop sa kanila noong 2009 at nangakong gagawa ng pelikula ukol sa kanila.

Year 2014 or 11 years ago nang isinulat niya ang I’m Perfect ngunit walang producer ang pelikula. Kaya noong 2017 ay ginawan niya ito ng teaser, para mai-pitch niya ito nang mas maayos sa would be producer nito.

Kuwento niya, “Fast forward po ngayon, I’m very-very lucky dahil napansin po ni Ms. Sylvia ang project na ito. I’m really-really grateful dahil ang dami po talagang nagkagusto sa project, pero yung maniwala po talaga ay mahirap po talaga, kaya, ‘thank you.'”

Ang romantic film na I’mPerfect ng Nathan Studios, ay umiikot ang kuwento sa romantikong relasyon ng dalawang tao na may Down syndrome.

Ayon pa kay Ms. Sylvia, buo ang tiwala niya sa mga bata sa pelikulang ito.

“Yes, marami ang nagkagusto sa script, kasi ang ganda po talaga, pero walang nagtiwala. Nagkataon lang na noong unang pagtingin ko sa mga bata, buong-buo na ang tiwala ko, alam kong kaya nila.

“Kasi mayroon din po akong pamangkin with cerebral palsy, pamangkin with down syndrome… at saka napapalibutan kami ng pamilya ko ng mga persons with down syndrome, persons with austism, persons with cerebral palsy, kaya ang bilis nang pagtanggap ko rito.”

Nagpasalamat din si Ms. Sylvia sa supporting cast ng movie na karamihan ay de kalibre at award-winning actors dahil pumayag sila na sumuporta at tumulong sa mga batang bida rito.

Hindi ba nagdalawang isip si Ms. Sylvia na i-produce ang pelikula ito?

Tugon ng award-winning actress, “Sa totoo lang, iyong pagkakita ko sa apat na persons with down syndrome sa laptop ni direk, buong-buo na ang paniniwala ko

“Ang inisip ko lang talaga ay ipagmalaki sila, na kailangan din silang marinig, kailangan din silang makita, kailangan din silang pahalagahan. Kasi naranasan ko iyon sa pamangkin ko, na kapag nagpupunta sila sa mall, iyong tingin mula ulo hanggang paa, nahihirapan… alam mo iyon?  Nasasaktan iyong pamilya, kasi ay kinukutya… So sabi ko, ito na yung project na maganda for them.”

Dagdag pa niya, “Honestly, iyong pagkakita ko… ang unang pumasok sa akin iyong mga bata, iyong kapakanan nila. Iyong kumita, ibibigay ng Diyos iyon, maniwala ka sa akin. Itong mga batang ito, gagawa ng history ito, itong December 25…

“Ang galing-galing nila, kayang-kaya nila. Kaya please lahat kayo rito, huwag na huwag ninyong hindi panoorin (itong pelikula). Dahil akala natin hindi nila kaya? Nagkamali po tayo, ang gagaling nila,” pagmamalaki pa ni Ms. Sylvia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

SPEEd

Bagong pangulo at opisyales ng SPEEd pinangalanan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINIRANG ng grupong SPEEd ang bagong pangulo at iba pang opisyal nito kasabay …

Im Perfect Sylvia Sanchez Leila De Lima

Cong de Lima sobrang na-touch sa I’m Perfect: inirekomenda at ipinagmalaki

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INA sa ina at hindi politika. Ito ang binigyang linaw at …