Monday , December 23 2024

Risk management office ng BoC umarangkada na

Saludo ang TARGET ON AIR dahil nagpapakita ng magandang accomplishment ang Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Ruffy Biazon at nitong nagdaang araw e nakakumpiska sila ng mga pekeng Marlboro ba brand ng sigarilyo na tinangkang ipuslit sa Manila International Container Port mula sa bansang China,

Ang pagkumpiska  ay isinagawa ng mga operatibang binuo ni Biazon na Risk Management Office (RMO) na ang inilagay na hepe ay si Atty. Chris Bolastig na ang kanilang kinumpiskang mga pekeng brand ng sigarilyo ay mula sa consignee na Transocean Export Sales na isang trading company na nakabase diyan sa Intramuros, Manila.

Ang RMO ang siyang responsable sa “risk profiling” sa pamamagitan ng “color coding” sa mga paparating na mga merchandize upang mawasak at matigil na ang talamak na smuggling sa ating bansa at nang sa gayon e tumaas naman ang magiging koleksiyon sa revenue tax lalo na ngayong paparating na ang kapaskuhan.

Ang color coding e ang “Red” ang high-risk shipment” na kinakailangang isailalim sa actual physicat examination o X-ray inspection; ang “Yellow” naman ang medium-risk cargoes na kinakailangang isailalim sa document examination at ang “Green” naman ang low o zero risk shipments na kinakailangang maipalabas na ito na hindi dapat na maantala.

Sa Davao naman ay mahigpit nang pinabubusisi ni Biazon ang alegasyon ng smuggling ng bigas sa Port of Davao na ibinulgar ni National Food Authority Administrator Orlan Calayag.

May 243,000 sako ng mga bigas ang naipalusot umano sa Davao port na iba-iba ang mga consignee at nakapasok sa Davao noong July 7 at October 1 gayong walang mga import permit daw ang mga nasabing kargamentong bigas.

Aba, e kung may katotohanan ang mga inismagel na mga bigas e dapat mabusisi at pananagutin kung sino mang mga opisyal sa Davao port… at sinasaluduhan ito ng  “TARGET ON AIR “sa pagpupurisge ni Biazon na mapaganda ang imahe ng BOC at sa dedikasyon niyang malupig ang lahat ng mga namamayagpag na mga smuggler sa ating bansa!

Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag txt sa 09196612670 / 09167578424  sa  sumbong o reklamo o mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *