ANG religious symbols ba sa bedroom ay good o bad feng shui? Ito ay sensitibong paksa.
Ang spiritual connection ng isang tao sa Diyos ay higit na napaka-intimate relationship, at sa maraming paraan ay higit na intimate sa relasyon sa kapwa tao.
Kaya walang istriktong feng shui rules, ikaw ang bahalang magdesisyon kung saan at paano ipapahayag ang sagradong relasyon na ito.
Gayunman, sa general feng shui guidelines, hinihikayat na huwag maglagay ng religious symbols sa bedroom.
Ang bedroom ay ideyal na inilaan para sa pagtulog, pagpapahinga at sexual healing.
Paano kung ang iyong isang kaibigan ay dumaranas ng problema sa love relationship at siya ay mayroong tatlong krus sa sa kanyang bedroom. Hihikayatin mo bang ilabas ang mga ito sa bedroom?
Sasabihin mo ba sa kanyang ito ay bad feng shui?
Ito ay katanungang mahirap sagutin. Bagama’t ang krus ay napakalakas at matibay na spiritual symbol, ito ay mayroong ibang koneksyon sa ibang mga tao.
Maaari mong sabihin sa kanya na mas mainam na walang krus sa bedroom. Maisusuhestyon mo rin sa kanya na maghanap ng ibang lugar sa bahay na maaaring magsilbing prayer area, o meditation space, o lugar para sa spiritual practice ng pakikipagkonekta at pagsamba sa Diyos.
Lady Choi