SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang pamamahagi ng Pamaskong Handog 2025 para sa bawat pamilyang Muntinlupeño.
Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, inihanda ng lungsod ang Pamaskong Handog packages para sa 138,000 pamilya sa Muntinlupa. Nagsimula ang distribusyon kahapon, 4 Nobyembre at target na matapos hanggang bago mag-Disyembre.
Naglalaman ang bawat package ng spaghetti set (sauce at pasta), elbow macaroni, champorado, arroz caldo, dalawang lata ng corned beef, meat loaf, corned tuna, fruit cocktail, at tatlong kilo ng bigas. Ngayong taon, ilalagay na rin ito sa reusable storage box na maaaring magamit muli ng mga pamilya.
“Tatlong taon na nating pinasasaya ang bawat tahanan sa Muntinlupa tuwing Pasko,” ani Mayor Biazon. “Hindi lang ito simpleng package — ito ay simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating komunidad. (EJ DREW)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com