NAKARAANG araw ng Linggo ay nagdiwang tayo ng aking kaarawan, salamat sa lahat ng blessing na natanggap ko sa ating Panginoon. Thank you so much, natutunan ko kung gaano maging simpleng buhay kaya sana huwag tayong maghangad ng hindi natin kaya.
Huwag tayong manlait, huwag po tayong mapanghusga at huwag nating maliitin ang kapwa natin.
Hangga’t nabubuhay may pag-asa, sana naman lahat tayo ay mamuhay nang may takot sa Diyos, huwag tayong maghari-harian ‘pag tayo ay nasa kapangyarihan. Kasi napapansin ko ‘pag ang isang opisyal ay naluklok sa kapangyarihan ay nandoon na lahat ang kahanginan sa utak at nagmamalaki na parang mga hari.
Ganoondin ang kanilang bodyguards na nakatuntong sa kalabaw ay gusto nilang elepante sila.
Maraming ganyan sa bansa natin mapagkunwari dahil sa kayamanan, sa kapangyarihan ay hindi na po nangingilala at pinapanginoon nila ang kanilang pera at ang yayabang pa.
Makikita mo ‘yan sa mga lansangan at hindi nila alam na ang kapangyarihan ay pansamantala lamang sa mundong ito.
Kaya napapansin natin na maraming kalamidad na dumarating sa buong mundo.
Madadala n’yo ba ang pera at kayamanan pagdating na kayo’y wala na sa mundong ito?
Sa mga politikong sakim at ilang government officials ay may panahon pa para magbago mas mabigat pa rin ang universal karma.
Kaya ako ay naniniwala na balang araw ‘yung mga naghari-harian sa bansang ito pagdating ng panahon ay mararamdaman din nila ang ginawa nila sa kanilang kapwa.
Maghunos-dili kayo. Tandaan ninyo ito: “God is Great, God is Good.
We must leave in an everlasting life.
We must remove hatred in our heart.
Give thanks to the holy One.
God bless us all.
***
Binabati ko pala ang aking mga kaibigan ang pamilya Asenci, lalong-lalo na si Clare na taga-PAL at ang kanyang anak na si Yanah at ang kanyang boyfriend na si Jerson. Best regards.
Jimmy Salgado