Friday , November 15 2024

Miranda itinapon ng Petron

INAYOS kahapon ng Petron Blaze at Globalport ang isang trade habang ginaganap ang planning session ng PBA board of governors sa Sydney, Australia.

Sa ilalim ng trade, ililipat ng Blaze Boosters si Denok Miranda sa Batang Pier kapalit ni Chris Ross.

Naunang nakuha ng Globalport si Ross mula sa Meralco kasama si Chris Timberlake kapalit naman nina Gary David at AJ Mandani.

“I have just approved the trade. It is balanced so good luck to both Petron and Globalport,” wika ni PBA Commissioner Chito Salud.

Hindi masyadong ginamit ng Petron si Miranda sa katatapos na PBA Governors’ Cup kung saan natalo ang Blaze Boosters sa finals kontra sa San Mig Coffee.

Ngunit may plano ang Globalport na itapon si Miranda sa Barako Bull kapalit ang ika-anim na pick ng Energy Colas sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Linggo.

“Right now, we’re still in the process of strengthening our lineup. We’re talking and discussing with the coaching staff and Boss Mikee on how to improve it,” wika ni Globalport board governor Erick Arejola sa panayam ng PTV-4 Sports.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *