Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza

Maine ipinagtanggol si Arjo: Wala siyang ginagawang masama

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DINEPENSAHAN ni Maine Mendoza ang asawang si Cong. Arjo Atayde sa mga akusasyon ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

Ang pagtatanggol ni Maine sa asawa ay idinaan sa pagpo-post sa kanyang account.

Pagtatanggol ni Maine kay Arjo. ”Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. 

“I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob. He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. 

“I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair,”  post ni Maine.

Nauna rito, mariing pinabulaanan ni Cong. Arjo ang mga alegasyon ng mag-asawang Discaya.

Aniya, “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them.

“Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito. I have never used my position for personal gain, and I never will,” giit pa ng kongresista.

Nagbanta rin ang kongresista ng unang distrito ng Quezon City na pananagutin niya sa batas ang mga taong nagpapakalat ng malilisyosong impormasyon laban sa kanya.

Isa si Cong Arjo sa nabanggit ng mag-asawang Sarah at Curlee sa mga opisyal ng gobyerno na umano’y nanghingi ng pera kapalit ng mga proyekto ng gobyerno.

Ani Arjo, “I will avail of al remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …