Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aangat pa kaya si Roxas?

KUNG ngayon araw ang eleksyon ay malamang na talo na ang pambato ng administrasyon na si DILG Sec. Mar Roxas.

Parang kasing malas at may mali sa packaging ni Roxas na dating nag-click ang image bilang Mr.Palengke.

Lahat na yata ng image building effort at taktika para pumogi ito ay ginawa na ng Malakanyang pero talagang sablay ang mamang kalihim dahil dehins talaga ito katanggap-tanggap sa masang mamboboto.

Maging si PNoy ang halatang bigay todo na para pabanguhin si Mar Roxas pero halatang kahit ang pangulo ay dismayado sa kanyang pagpapabango dahil parang wala lang o deadma talaga kay Roxas ang taumbayan.

Dapat sigurong mag-plan B na ang Palasyo at lalo’t higit ang Liberal Party dahil mukhang hindi papatok ang kanilang pambato ni si Mang Mar.

Sa totoo lang,iilan lamang ang option ng administrasyon at si PNoy at iyan ay sa pagitan lamang nina Chiz Escudero at Grace Poe.

Sina Poe at Escudero ang ilan sa mga bataan ni PNoy ang medyo mabango sa tao kaya’t dapat dito na lamang mag pokus ang administrasyon at mag-desisyon na sila na i-out si Roxas sa 2016 presidential polls.

Mabigat ang desisyong ito laban kay Roxas pero ito lamang ang makakapag-salba sa bangka ng administrasyon lalo’t higit si PNoy dahil kapag napunta ang trono sa kalaban niya ay tiyak na mag-aala Gloria Macapagal-Arroyo din sya.

‘Yan ang dapat aksyunan ngayon ng Pangulo at ng LP dahil panahon na para aminin nilang laos na si Roxas at panahon na para humanap ng kapalit nito.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …