Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Emperador, bumili pa ng taniman ng ubas sa Espanya

103013 emperador

Madrid, Espanya.  Sinusuri nina Andrew Tan (kanan), chairman ng Emperador Inc., at Jorge Bohórquez Domecq, tagapamahalang director ng Emperador International Ltd., ang kanilang pinakabagong taniman ng dekalidad na ubas. Bumibili pa ng taniman ng ubas sa Espanya ang Emperador para masuportahan ang itinatayang pagdoble ng volume ng Emperador Deluxe Spanish Edition sa Filipinas.

MULING bumili ng 409 ektaryang taniman ng ubas sa probinsya ng Madrid, Espanya ang Emperador International Ltd., sa pamamagitan ng Grupo Emperador Spain S.A. nitong Oktubre 24.

Ani Jorge Bohórquez Domecq, ang tagapamahalang direktor ng Emperador International, na isinalin mula sa Espanyol: “Kami ay bumibili pa ng ibang taniman ng ubas para masuportahan ang paggawa ng brandy sa Espanya. Kami ay natutuwa sa malugod na pagtanggap ng mga Filipino sa Emperador Deluxe Spanish Edition, na gawa rito sa Espanya.

“Nalagpasan ng kabuuang benta ng Emperador Deluxe ang inaasahan namin. Dahil dito, tinataya naming madodoble ang volume ng Emperador Deluxe sa susunod na taon,” dagdag ni Domecq.

Sa kanyang pagtatapos, sinabi ni Domecq na naghahanda na ang Emperador para makapasok sa Vietnam sa susunod na taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …