DAPAT nang ibaba ang tinatawag na age of majority mula sa kasalukuyang edad na disiotso (18) pababa sa gulang na disisais (16) dahil na rin sa lawak ng kaisipan o kamulatan ng mga kabataan ngayon kaugnay ng mga bagay-bagay sa mundo.
Malaki ang kinalaman ng mabilis na pagsulong ng teknolohiya sa maagang pagkakamulat ng mga kabataan ngayon. Kompara noon ay higit na mas maalam ngayon ang mga kabataan kaya may palagay ako na panahon na para ibaba ang age of majority.
Huling ibinaba ng kongreso ang age of majority noong 1989 mula beinte uno (21) anyos pababa sa kasalukuyang disi-otso. Batay sa mga obserbasyon ko, maraming kabataan ngayon na mura lamang ang edad pero mulat na sa karanasan. Experience wise, hitik na sila pagdating sa pakikibaka sa buhay kahit na ang chronological age nila ay bata pa.
* * *
Marami ang pumuna ng hindi maganda sa sisenta (60) anyos na pamosong mang-aawit na si Ka Freddie Aguilar matapos mabunyag ang kanyang pakikipagrelasyon sa isang disisais anyos na dalagita. ‘Ika ng mga pumuna ay apo na ni Freddie ang kanyang karelasyong bata.
Hindi ako sang-ayon sa nangyari pero hindi ko sila huhusgahan. Kung sila ay talagang nagmamahalan ay walang problema ang agwat ng kanilang edad. Walang pinipili at mahirap ipaliwanag ang pag-ibig.
Gayon pa man ay malaki ang kargo o sagutin ni Ka Freddie at ang mga magulang ng kanyang karelasyon kung sakaling sa huli ay matuklasan nang magkarelasyon na hindi pala pag-ibig ang nagbuklod sa kanila. Hindi madali ang pinasok na lagay ni Ka Freddie bagamat hindi ko na siya papaalalahanan pa sapagkat alam ko na mas alam niya kaysa akin ang mga bagay-bagay na tulad nito.
* * *
Ang United States at Gran Britanya ay may kasunduan na hindi nila titiktikan ang bawat isa. Ang kasunduang ito ay nabuo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II. Dapat ay magkaroon rin tayo ng ganitong unawaan sa Amerikano na dati nating mga kolonisador.
Dapat pagbatayan ang ating espesyal na relasyon sa paghingi natin ng ganitong kasunduan. Mahalaga na makakuha tayo ng ganitong pribilehiyo lalo na ngayon na kabi-kabila ang ginagawang paniniktik ng Amerika sa iba’t ibang panig ng mundo.
* * *
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.
Nelson Forte Flores