Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isa pang LASTIMOSA papasok sa PBA

SISIKAPIN ng isa sa mga PBA Rookie draftees na si Carlo Lastimosa na sundan ang yapak ng kanyang tiyuhing si Jojo sa pagiging superstar ng PBA balang araw.

Kahapon ay napasabak si Carlo sa ilang mga drills para sa mga draftees na ginanap sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Ayon sa kanyang amang si Danny, desidido na si Carlo na maglaro sa PBA kahit may isang taon pa siya sa paglalaro sa College of St. Benilde sa NCAA.

“My son already played three years in the PBA D League,” wika ni Danny sa panayam ng Radyo Singko sa FM noong Linggo. “He feels he is ready kaya susuportahan ko siya.”

Magkakampi ang magkapatid na sina Danny at Jojo sa PABL noon para sa Lhuillier at Mama’s Love.

“Carlo idolizes Jojo a lot,” ani Danny. “Whatever team drafts him, I’m sure my son will be happy to realize his dream na makalaro sa PBA.”

Bukod kay Carlo, may isa pang anak si Danny na si Pam na naglalaro ng volleyball sa darating na UAAP season para sa UST.           (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …