Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1 patay, 3 sugatan sa ambush sa bus

CEBU CITY – Patay na nang ida-ting sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang lulan ng bus matapos bomoto sa Balud Elementary School sa bayan ng San Fernando, lalawigan ng Cebu pasado 12 p.m. kahapon.

Batay sa ulat, sumakay ang biktimang si Ariel Gomez, 22, sa mini-bus ng FM Liner (GXL-862) na ang ruta ay mula sa bayan ng Sibonga patungo sa lungsod ng Cebu.

Sinasabing ang biktima ay katatapos lamang bomoto sa kanyang presinto nang sumakay sa naturang bus.

Ayon kay Robert Delfin, 24, at konduktor ng bus, unang sumakay ang hindi nakikilalang suspek at sinundan naman ng biktima.

Ngunit ilang minuto matapos makaupo ang biktima ay bigla na lamang siyang pinagbabaril ng salarin gamit ang 9mm baril.

Aksidente namang natamaan ang mga pasahero ng bus na sina si Jomar Secretaria at Jintor Coronado na pawang kritikal ngayon ang kondisyon.

Habang ligtas na sa bingit ng kamatayan ang isa pang pasahero na si Rosemarie Navares.

Kaugnay nito, iginiit ni C/Insp Sarah Recla, hepe ng San Fernando Police Station. Anggulong personal na alitan ang tini-tingnang dahilan ng pagpatay at walang kaugnayan sa barangay elections.

Napag-alaman na ang biktima ay may kinakasama na kasal sa ibang lalaki.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …