SUPER proud si Sylvia Sanchez sa pagkakapili bilang Assistant Majority Leader ng House of Representatives ng kanyang anak na si Quezon City First District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde.
Sa post ni Sylvia kahapon sa kanyang social media account, ibinandera nito ang artcard na bumabati sa pagkakatalaga sa panganay na anak na si Arjo.
Sa pagkakatalaga sa posisyon ni Arjo, magbibigay ito sa kanya ng pagkakataon na mas masuportahan ang priority initiatives ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang isang gusto niyang tutukan ay ang pagpapalawig ng flood control projects sa buong National Capital Region (NCR).
“I am grateful for the trust of the House leadership and honored to serve as Assistant Majority Leader,” sambit ni Arjo.
“This position gives me the opportunity to help advance key measures aligned with the President’s development agenda, especially on issues that directly impact our constituents in Quezon City—like flooding in Metro Manila,” aniya pa.
Naniniwala ang aktor/politiko na ito ang tamang panahon para mas bigyang-prioridad ang pagkontrol sa malawakang pagbaha sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Aniya, kailangan ng isang holistic approach sa flood management sa Metro Manila.
“Uulitin ko po, flooding is not a QC District 1 problem. It is not just a Quezon City problem. It is a Metro Manila problem. And we cannot solve it piecemeal,” giit ng kongresista.
Nauna nang inihain ni Cong. Arjo ang House Resolution 00081, na nananawagan sa DPWH, MMDA, DENR, DILG, at Metro Manila LGUs na sama-samang bumalangkas at magpatupad ng komprehensibong plano sa pamamahala ng baha sa buong rehiyon para matugunan ang talamak na pagbaha sa kabisera ng bansa.
Ani Arjo, ang Metro Manila ay nag-aambag ng mahigit 30% ng kabuuang produkto ng bansa, at ang mga gastos sa ekonomiya ng paulit-ulit na pagbaha ay lumampas sa kapital.
Nagpahayag din siya ng suporta sa congressional oversight at accountability sa pagpapatupad ng flood control programs.
Binigyang-diin niya ang pangangailangang suriin ang mga kasalukuyang proyekto, tukuyin ang mga puwang, at tiyakin na ang mga pampublikong pondo ay ginagastos nang matalino at epektibo.
“The President has made it clear: we must hold those in charge of flood projects accountable. We owe that to our people. We can’t just keep pouring money into the same projects and expect different results,” aniya.
Sinabi pa ng mister ni Maine Mendoza na umaasa siyang makikipagtulungan sa House Committees on Metro Manila Development ang Public Works and Highways at Climate Change para isulong ang mga konsultasyon at pagdinig sa isyu.
“Let us stop treating floods like weather problems. These are also governance problems. And that means the solutions lie with us,” wika pa ni Arjo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com