Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng non-governmental organization (NGO) na Aredumstrico na pinamumunuan ni Suprema Bae Kalikasan Lorilyn I. Tobias.

Dahil dito nagkaroon ng pakikipagpulong ang mga Tribal chieftain mula sa Zambales, Bulacan, at Bangsamoro sa tanggapan nito sa Brgy. Ulingao, San Rafael, Bulacan.

Hinimok ni Bae Kalikasan, ang mga Chieftain na palawakin ang pagtatanim ng Cacao, Guyabano, Café, at Rambutan sa mga lupain na sakop ng native title o ancestral domain para sa kanilang kabuhayan.

May 68 ektaryang lupain ng katutubo sa Tarlac at Bulacan ang maaring taniman ng fruit bearing trees at iba pang halaman, ayon kay Dumagat Tribal Chieftain Rodolfo Delfin aka Datu Bituin, mula sa Brgy. Camachin sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) Bulacan.

Aniya, una silang nagtanim ng nasa 3,000 puno ng Cacao, habang si Aeta Tribal Chieftain Throlie Romualdo mula sa Olongapo – San Marcelino, Zambales, nasa 200 puno ng saging at puno ng niyog ang kanilang itinanim sa kanilang ancestral domain.

Samantala umapela si Bae Kalikasan sa mga Indigenous Peoples (IPs) sa Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, at Bataan.

Walang kinalaman o hindi konektado ang Aredumstrico Agricultural Forest Village Development Foundation Inc., sa anumang transaksiyon ng ‘United As One Peoples Organization’ at ‘United As One Sectoral Association.’

Kasunod nito’y muling ipinaalala na ang aplikasyon at koleksiyon para sa membership sa Tribal Village ay itinigil na base sa advisory noong 2 Hunyo 2025.

Kaugnay sa validation and update ng kanilang application bago ang nasabing petsa, maaari silang magsumite ng kanilang dokumento sa FB page na Tribal Village – SJDM. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …