Friday , November 22 2024

P54-M botante boboto ngayon

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagboto ngayon ng 54,051,626 registered voters na maghahalal ng mga magiging pinuno sa kani-kanilang barangay sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., aagahan ni Pangulong Aquino ang pagboto sa Tarlac upang i-monitor ang barangay elections sa buong maghapon.

“Katulad ng kaugalian at ginawa niya noong 2013 midterm elections noong Mayo, ang Pangulo ay boboto sa kanyang distrito sa lalawigan ng Tarlac bukas ng umaga,” ani Coloma kahapon.

Tiniyak ni Coloma na nakakalat  ang  buong pwersa ng Public Attorney’s Office (PAO) na umaabot sa 1,500 abogado at 900 empleyado sa buong Filipinas, upang tulungan at suportahan ang mga titser na magsisilbing election inspectors ngayon.

Kaugnay nito, ipinauubaya ng Palasyo kay Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman at sa Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng kaukulang hakbang sakaling magkulang ang mga gurong gaganap sa election duties bunsod ng problema sa seguridad. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *