Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DepEd Gulayan Sa Paaralan

DepEd pinalawak “Gulayan Sa Paaralan” at Farm School projects

PINALAWAK ni Education Secretary Sonny Angara ang Gulayan sa Paaralan Program (GPP) na naglalayong mapagbuti ang tamang nutrisyon  sa mga mag-aaral  sa buong bansa, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na matiyak ang tamang nutrisyon sa mga mag aaral at magkaroon ng dagdag kaalaman ang mga mag-aaral sa kalusugan at masustansiyang pagkain.

Ayon kay Sec. Angara, malaking bahagi ang ginagampanan ng GPP sa pagpapatatag ng taunang School-Based Feeding Program (SBFP) sa pamamagitan ng mga sariwang gulay na tanim mismo sa paaralan.

Bukod sa nutrisyong hatid nito sa mga mag-aaral, pinalalalim din ng programa ang kaalaman ng mga bata tungkol sa kalusugan at masustansiyang pagkain na aabot sa 44,965 paaralan ngayong school year ang bahagi ng GPP. Tumaas ito ng 50.6 percent kompara sa taong 2022-2023.

Ayon sa ilang guro, ang programa ay naging daan para mas mapalakas ang pagtutulungan ng mga guro, magulang, at lokal na sektor sa pagtatayo at pagpapanatili ng mga gulayan sa paaralan.

Sa tulong ng pondo mula sa local school resources at SBFP, nabibigyang-kakayahan ang mga paaralan na magtanim ng sariwa at organikong gulay na direktang naihahain sa mga pagkain ng mga bata.

Nagsisilbi rin ang mga gulayan bilang open-air classrooms kung saan natututo ang mga mag-aaral ng agrikultura, pangangalaga sa kalikasan, at pagiging sapat sa pagkain sa pamamagitan ng sariling sikap.

Ngayong 2025, tinatayang 94% ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang may aktibong garden interventions. Mula ₱10 milyon noong 2021, umabot na sa ₱20 milyon ang budget ng GPP noong 2024, at inaasahang tataas pa sa ₱21.8 milyon sa 2025—patunay ng patuloy na suporta ng kagawaran sa pagpapalawak ng programa. (VA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …