Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nancy Binay

Sa unang flag raising ceremony
Mayor Nancy Binay emosyonal, naluha habang nagtatalumpati sa mga opisyal at empleyado

HINDI napigilan ni Mayor Nancy Binay ang mapaluha habang siya ay nagsasalita sa unang araw at kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony ng mga opisyal at empleyado ng lungsod ng Makati. 

Ayon kay Binay ang 7 Hulyo ang isa sa pinaka-espesyal na araw para sa kanya dahil ito ang kanyang kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony bilang punong lungsod ng Makati. 

Kaya hindi niya naitagong bumati ng magandang umagang “Be Nice” ang kanyang palaging salubong noong siya ay tumatakbong alkalde. 

Nagpapasalamat si Binay sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng lungsod na nakiisa sa flag ceremony. 

Nanindigan si Binay na ang pagtataas ng watawat ng Filipinas ay sumasalamin sa  kanilang pagkakaisa bilang isang bansa, isang Makati at isang pangarap. 

Aminado si Binay na bagamat sila ay galing sa iba’t ibang paniniwala at emosyon, iisa ang kanilang naisin — ang paglingkuran ang bawat mamamayan ng Makati upang lalo pang umulad ang lungsod. 

Dahil dito hiniling ni Binay sa bawat opisyal at empleyado ng Makati na maging kasama at kaisa niya sa paglilingkod para sa higit na pag-unlad ng Makati. 

Naniniwala si Binay na hindi lamang siya ang nagpapatakbo ng lungsod kundi ang bawat isang opisyal at empleyado nito. 

Paalala ni Binay, bawat isa ay may kanya-kanyang tungkulin na dapat gampanan at mahalaga ang papel para sa paglilingkod sa bawat mamamayan at patuloy na pag-unlad ng lungsod. 

Hiling ni Binay sa bawat isa na magtulungan sila para sa isang mas maganda, mas maunlad at higit sa lahat ay “The Best” na Makati. 

Ayon kay Binay, araw-araw na sisikapin niyang magkaisa kaysa magkawatak-watak; at ang pag-unlad kaysa pamomolitika. 

Tiniyak niya ang serbisyong may kalidad, serbisyong Makati at serbisyong Binay. 

Sa huli, ipinaalala ni Binay sa bawat isa ang palagiang sinasabi ng kanyang ama na si dating Vice President at Makati Mayor Jejomar Binay — “Makati Mahalin Natin, Atin Ito.” (NIÑO ACLAN) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …