Friday , November 22 2024

5 pulis tiklo sa hulidap

LIMANG pulis kabilang ang apat na pawang mga bagito, ang ipinaaresto ng kanilang opisyal matapos ireklamo ng pangingikil ng isang negosyante kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Agad ipinag-utos ni Sr. Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon Police,  na arestohin, disarmahan at sampahan ng kaso ang mga pulis na sina POs1 Chistopher Tesio, Renato Flores, Jr., Alfie Mariano, Adan Christian Taytay, at PO3 Dennis Lanot, pawang nakatalaga sa Compac City Police Unit.

Base sa reklamo ng negosyanteng si Jose Ballesteros, dakong 11 p.m. kamakalawa nang sitahin siya ni Taytay makaraang bumaba ng pampasaherong jeep galing sa pakikipag-inoman sa kanyang mga kaibigan.

Iniutos ni Taytay sa biktima na magpahinga muna sa nakaparadang tricycle na pag-aari naman ni PO3 Lanot, at kinuha ang halagang P4,200 cash at cellphone saka binitbit patungo sa community precinct at kinasuhan ng carnapping ng tricycle.

Nakiusap ang biktima dahil wala siyang ginagawang masama hanggang dumating ang mga kaanak na hiningan ng mga pulis ng P2,500 at wala na aniyang kaso si Ballesteros na napilitang magbigay upang makauwi na.

Nang makalaya sa mga pulis ay agad nagsampa ng reklamo ang biktima dahilan upang arestuhin ang mga suspek.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *