I-FLEX
ni Jun Nardo
SIMPLENG kuwento ng friendship since college days na may kanya-kanyang problema sa anak ang kuwento ng latest Joven Tan movie na Outside De Familia mula sa production ni Ana BC.
Magagaling ang mga bidang artista na sina Ruby Ruiz at Sheila Francisco mula sa stage.
Kasama rin sa movie si Gelli de Belen at ang gumanap na anak niyang binatilyo na si Dwayne Garcia na promising din ang pag-arte.
Very Pinoy at relatable ang movie na kusa na lang tutulo ang luha mo sa mga eksenang nakaiiyak pero hindi pilit.
Proud kami sa movie ni direk Joven at sana eh tangkilikin ito ng manonood kapag may playdate na.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com