Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMDA, NCR, Metro Manila

Sa Maynila
Radial Road 10 nilinis ng MMDA

MABILIS na tumugon sa panawagan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kaya’t muling nagsagawa ng clean-up operations ang Metro Manila Development Authorithy (MMDA) kahapon sa kahabaan ng Road 10 dahil sa kaliwa’t kanang gabundok na basurang itinambak sa nasabing highway.

Ayon kay MMDA Metro Parkways Clearing Group (MPCG) Director Francis Martinez, ang R10 ang isa sa mga lugar na kanilang binabalik-balikan  para linisin dahil sa rami ng basura na nagkalat sa lansangan.

Gumamit ang MPCG ng backhoe, payloader, dump trucks, at iba pang kagamitan mula sa MMDA Flood Control and Sewerage Management Office para maalis agad ang iba’t ibang uri ng basura sa gitna ng kalsada.

Aniya, minamadali nila ang paghahakot sa basura dahil maaanod ito ng ulan at babara sa mga drainage na magdudulot ng pagbaha sa Maynila.

Nagmula sa mga residente sa lugar ang basura na itinatapon lalo sa gabi.

Panawagan ng MMDA sa mga barangay at sanitary enforcers: bantayan ang R10 at iba pang lansangan sa Maynila para hindi gawing tapunan ng basura.

Mahalaga rin na maging responsable at disiplinado sa mga kalat.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kanilang paghahakot sa mga lansangan sa Maynila, higit sa 97 dump trucks o may katumbas na 135 tonelada ang kanilang nakolekta at nadala sa Navotas Sanitary Landfill 24 Hunyo hanggang 28 Hunyo.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …