Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sol Aragones

Mataray sa ospital bawal kay Gob. Sol

OPISYAL nang nanungkulan ang bagong halal na si Laguna Governor Sol Aragones sa provincial Capitol  sa Sta, Cruz sa lalawigan ng Laguna.

Dakong 12:30 ng tanghali nang personal na dumating sa Kapitolyo ng Laguna ang Gobernadora na sinundan ng pagdating ng kanyang Bise Gobernador na si Atty. JM Carait kasunod ang mainit na pagsalubong ng kanyang mga tagasuporta.

Sa unang araw ng kanyang panunungkulan agad nilagdaan ni Aragones ang Executive Order (EO) No. 1 na naglalayong ipagbawal ang matataray at masusungit na kawani at health workers sa mga ospital sa buong probinsiya ng Laguna.

Sa mga lalabag, mayroong kaukulang parusang kakaharapin nang sa ganoon ay maging maayos ang pakikitungo ng bawat empleyado sa mga pasyente lalo sa mahihirap na kabababayan.

Kabilang sa mga sumalubong sa bagong halal na Gobernadora ang mga nanalong kasapi ng Sangguniang Panlalawigan na sama-samang humarap sa mga hepe ng departamento upang masimulan na ang kanilang mga adbokasiya para sa mas maunlad na lalawigan ng Laguna.

Tinitiyak ni Aragones na kanyang pakikinggan ang mga suhestiyon at mungkahi ng mga pinuno ng Departmento para sa maayos at kapakipakinabang na proyekto sa kanilang lalawigan.

Ipinakilala ni Aragones ang kanyang chief for communications na si Dolan Castro at ang kanyang administrator na si dating Candaba, Pampanga Mayor Jerry Pelayo.

Isa sa kanyang mga consultant sa kalusugan ay si dating Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Tayag.

Ipinangako ni Aragones sa mga department head ng lalawigan na madali siyang lapitan para sa ikabubuti ng lalawigan pero mahigpit niyang ipinaalala na magiging estrikto siya sa pamamahala upang maisulong ang mga adbokasiya para sa ikauunlad ng lalawigan.

Paalala ni Aragones sa bawat isa, tapos na ang halalan, marunong siyang makinig at madaling kausap ngunit estrikto. (NI؜ÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …