Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yorme Isko Moreno

Isko naglabas ng partial list, bagong department heads may resibo ng serbisyo

LIMANG araw bago ang kanyang pormal na pagbabalik sa Manila City hall, inilabas ni incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang partial list ng kanyang department heads.

Ilan sa kanila sina Cesar Chavez na magsisilbing Chief of Staff; dating 3rd District Councilor Letlet Zarcal, Secretary to the Mayor; dating 4th District Councilor Atty. Wardee Quintos, City Administrator; E-Jhay Talagtag, hepe ng Manila Public Information Office (PIO); Jay dela Fuente, hepe ng Manila Department of Social Welfare (MDSW); dating 5th District Congresswoman Cristal Bagatsing, hepe ng Manila Department of Tourism, Culture and Arts (MDTCA); Brgy. Chairman Dale Evangelista, hepe ng Manila Sports Council (MASCO), at Hiroshi Umeda, hepe ng Public Employment Service Office (PESO).

Ayon kay Isko, ang mga department heads na kanyang makakatuwang sa pagbibigay serbisyo sa Maynila ay nagpakita na ng ‘resibo’ sa pagseserbisyo at walang pinipiling estado sa buhay.

Tiniyak ni Isko na 24/7 mararamdaman ng Manileño ang kanilang serbisyo at kapanatagan.

Aniya walang puwang sa kanyang administrasyon ang mapang-abuso at mangongotong.

Una nang sinabi ni Isko na ibabalik niya ang gobyerno sa umaga, sa tanghali, sa hapon, sa gabi, at sa madaling araw. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …