Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Antuking pulis bawal sa SPD
OPISYAL na isinalin kay P/BGen. Randy Ygay Arceo ang tungkulin at mga responsibilidad bilang bagong District Director – Officer-In-Charge (DD-OIC) ng Southern Police District (SPD) kapalit ni P/BGen. Joseph Arguelles na madedestino naman sa Police Regional Office (PRO11) sa turnover ceremonies na pinamunuan ni National Capital Region – Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Anthony Aberin. Dumalo ang SPD Command Group at District Staff sa SPD Headquarters Grandstand, Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. (EJ DREW)

Antuking pulis bawal sa SPD

MAGALANG at hindi tutulog-tulog na pulis ang nais ng bagong talagang District Director Officer-In-Charge (DD-OIC) ng Southern Police District (SPD) na si P/Brig. Gen. Randy Ygay Arceo.

Ipinahayag ito kahapon sa opisyal na pagsasalin ng responsibilidad bilang bagong DD-OIC ng SPD kay P/Brig. Gen. Arceo na ginanap dakong 1:00 ng hapon sa SPD Headquarters Grandstand, Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

Pinalitan ni General Arceo si dating SPD District Director P/Brig. Joseph Arguelles na itinalaga sa Police Regional Office 11.

Sa kanyang pahayag, tiniyak ni P/Brig. Gen. Arceo na ipatutupad niya ang displina sa hanay ng mga miyembro at personnel ng SPD mula sa opisyal hanggang sa mababang ranggo.

Ani P/ Brig Gen. Arceo, hindi lang ang pisikal na presensiya ng mga pulis kundi magalang na pulis ang kanilang makikita sa mga lansangan sa kanyang nasasakupan.

Bukod dito, ipatutupad din ni Gen. Arceo ang simulation exercise sa mga pulis na dalawang beses kada ship upang maging masigla sa oras ng kanilang duty.

Ito ay bilang pagtugon sa kautusan ni NCRPO Director P/Major Anthony Aberin para hindi makatulog o antukin sa oras ng duty ang mga pulis.

Nagbabala si Aberin sa mga pulis na ang mahuhuling natutulog sa oras ng kanilang duty sa kabila na ibinaba na ito sa walong oras ay mahaharap sa administrative case. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …