Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Holdap me’ sinisilip sa DPWH Cam Norte payroll hold-up; Ex-con itinumba ng dating kasama sa robbery group

NAGA CITY – Maraming anggulo ang tinitingnan ng mga awtoridad sa naganap na holdap kamaka-lawa sa opisina ng Department of Public Works and Highways sa Daet, Camarines Norte na natangay ang mahigit P1 milyon pampasweldo sana sa mga empleyado.

Ayon kay S/Supt. Moises Pagaduan, provincial director ng PNP sa lalawigan, ipinagtataka pa rin nila hanggang ngayon kung paano nangyari ang insidente.

Isa sa mga sinusundan nila sa imbestigas-yon ay ang “holdap me” o mayroon tipster mula sa banko kung saan nag-withdraw ang mga biktima.

Batay sa pahayag ng district engineer ng DPWH, tanging disbursing officer ang nakaaalam sa pag-withdraw ng perang nagkakahalaga ng P1,082,361.47.

Sa ngayon, patuloy na pinag-aaralan ng kanilang mga imbestigador ang CCTV camera.

Napag-alaman na malayang nakapasok ang suspek sa tanggapan ng DPWH habang naghihintay naman sa labas ang mga kasamahan.

Ipinagtataka ng mga awtoridad kung paano nakalusot ang mga suspek sa kabila ng maigting na pagpapatupad ng checkpoint at gun ban kaugnay ng barangay elections.

Magugunitang mismong sa loob ng compound tinutukan ng mga suspek ang mga empleyado ng DPWH na papasok pa lamang sa kanilang gate at tinangay ang malaking halaga ng pera.

Ex-con itinumba ng dating kasama sa robbery group

ILOILO CITY – Patay ang isang dating preso matapos pagbabarilin sa Brgy. Datagan, Calinog, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Orland Chiva, residente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay C/Insp. Rogelio Ortigas, hepe ng Calinog municipal police, posibleng hinarang ng mga suspek ang biktima habang pauwi dakong 11 p.m. kamakalawa mula sa isang lamay.

Nakarinig na lamang ang mga residente ng mga putok ng baril at pagkaraan ay natagpuan ang biktimang tadtad ng tama ng bala sa mukha at dibdib.

Ang biktima ay kalalabas lamang ng Iloilo Provincial Integrated Jail (IPIJ) noong Mayo sa kasong multiple robbery.

Hinala ng mga pulis, dating alitan at posibleng mga kasamahan din sa criminal group ang pumaslang sa biktima. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …