WALA-WALA lang pala kahit tuloy-tuloy ang anti-illegal gambling campaign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa southern Metro Manila dahil HATAW pa rin ang jueteng operation ni BOSSING ALLAN M.
Katunayan kamakalawa lang ay may huli na naman na 16 jueteng personnel ang grupo nina Col. Bubot Elizano ng DILG sa Barangay Putatan.
Pero, easy-easy lang si Bossing Allan dahil malakasan nga ang jueteng operation sa southern Metro Manila lalo na sa Parañaque na ang tongpats sa City Hall ay si TATA ROLLY TIAGO.
Bukas na rin ang JUETENG operation sa Taguig at Pateros na ang financier ay si ALVAREZ ng Calarbazon sa pamamahala ng bangkang si alias LEO LOYOLA.
SPD director, Gen. Jose Erwin Villacorte, haping-hapi ka ba sa 137 ni BOSSING ALLAN M.?
O gaya ka rin ni NCRPO chief, GEN. MARCELO GARBO na puro bukol ang napala sa 1602 at 137?!
Tsk tsk tsk …
PERYA-SUGALAN SA CAVITE AT BATANGAS LARGADO RIN!
AKALA natin ay namahinga na ang PERYA SUGALAN sa Cavite at Batangas … hindi pa pala.
Tuloy pa rin ang PERYA-SUGALAN ni TEYSI sa Naic, Cavite bayan, at Cavite City.
Kay EGAY naman sa Carnaval, Siniloan, Laguna, si LOLONG plus sa Alaminos, Laguna.
Malakasan din ang PERYA-SUGALAN ni JONJON sa Tanauan, Batangas at si BABAY PANGANIBAN sa gilid ng Jollibee.
Pasok rin si TEYSI sa Rosario at Lobo Batangas.
Si YOLLY sa Padre Garcia at Taizan.
Habang sa Lipa City, Batangas ay namamayagpag si BOY LIFE.
Lahat ‘yan ay sa Region IV-A.
Paging Chief Supt. Melito Mabilin!
I-LIFESTYLE CHECK SI S/SUPT. RODOLFO LLORCA
HINDI naman tayo natutuwa na NATIGBAK sa kanyang pwesto si Pasay chief of police S/Supt. Rodolfo Llorca at ang pumalit nga ay si OIC COP, S/Supt. Mitch Filart.
Kaya natin siya pinupuna dahil binibigyan natin siya ng pagkakataon na maituwid ang mga dapat niyang ituwid.
Pero mukhang mas naakit si KERNEL LLORCA sa kaway ng KWARTA at KAGINHAWAAN? O baka naman nasubo na siya sa pagpapagawa ng kanyang ‘MANSION’ kaya kahit anong puna natin sa kanya ‘e hindi niya pinapansin.
Ang masaklap, nabisto sa PNP na ‘DINODOKTOR’ niya ang incident report kaya bumaba ang crime rate sa kanyang area of responsibility.
Kaya sorry na lang KERNEL LLORCA … bye-bye …
By the way, wala bang balak ang PNP, ang NAPOLCOM o ang Ombudsman na i-LIFESTYLE check si KERNEL LLORCA?
Si Kernel Llorca lang daw ang may ranggong Senior Supt. na naka-HUMMER!?
Inirerekmoneda po ng inyong lingkod na dapat ay i-LIFESTYLE CHECK si KERNEL LLORCA.
Para naman po sa kabatiran ng madla, agad pong NILUSAW ni KERNEL FILART ang PASAY PNP-SOU – ang Special Orbit ‘este’ Operations Unit na pinamumunuan ni C/Supt. Joselito Sta. Teresa.
Korek ka d’yan KERNEL FILART!
‘Yang SOU ay isa sa mga nagpahamak sa karera ni KERNEL LLORCA.
Mag-ingat ka rin KERNEL FILART, sa isang grupo na nakabase d’yan sa CITY HALL.
Mahusay rin silang manira ng CAREER ng isang CHIEF OF POLICE.
Sira na ang pangalan mo, puro bukol pa ang aabutin mo.
Kahit itanong mo pa sa Kamaganak Inc.
Ingat-ingat KERNEL FILART!
TEXT BRIGADE SA DQ NI ERAP ‘WAG PATULAN
PAALALA lang po sa mga nag-aantabay ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa disqualification (DQ) case laban kay Erap, huwag po ninyong patulan ang kumalat na text brigade.
Isang taktika po iyan para magalit ang Supreme Court kay Mayor Alfredo Lim.
Marami po ang nag-aakala na ang nasabing text brigade ay galing sa kampo ni Mayor Fred Lim pero nagkakamali po kayo.
Kailanman, iginagalang at tiwala si Mayor Fred Lim sa oras at desisyon ng Korte Suprema.
Bagamat marami na ang naiinip, naniniwala po si Mayor Lim na reresolbahin ito ng Supreme Court sa madali at tamang panahon.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com