Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bradley isusunod ni Pacman (Pagkatapos ni Rios)

MUST-WIN si Manny Pacquiao sa magiging laban niya kay Brandon Rios sa November para muling makatuntong sa pedestal ng boxing.

Ayon sa ilang kritiko ng boksing,  mas gutom na boksingero ngayon si Pacquiao sa nangyaring dalawang sunod na pagkatalo kina  Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez. Tulad ng isang gladiator na nasusugatan, mas lalong naghahangad ang dating hari ng pound-for-pound na makabalik sa limelight.

At kung sakaling maging matagumpay ang pagbabalik ni Pacman sa ring at talunin niya si Rios, magkakaroon siya ng pagkakataon na humiling ng rematch kay  Bradley.

Dagdag pa ng mga kritiko na kung magwawagi nga si Pacquiao kay Rios, hindi na niya kailangan pang labanan si Marquez sa isang rematch dahil tinalo ito ni Bradley.

At isa pa, hindi na magiging interesante para sa boxing fans na makita ang laban nila ni Marquez na obyus namang natsambahan lang siya ng lucky punch nito.   Sa nasabing laban noong nakaraang taon ay kitang-kita ang pagkagastado ni Marquez sa tinamong bugbog sa kamao ni Pacman bago dumating ang tsambang suntok niya.

Pananaw pa ng mga kritiko na si Bradley ang siyang daan para makarating sa dulo ng kanyang misyon sa boksing na makaharap si Floyd Mayweather Jr.

Pero bago ang mga senaryo na nabanggit, kailangang talunin ni Pacman ang agresibong boxer na si Rios sa isang kombinsidong panalo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …