Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rice, Bigas

P20 rice program isusulong sa Navotas

MAAARI nang makabili ng halagang P20.00 kada kilo ng bigas ang mga residente ng Navotas makaraang isulong ng Department of Agriculture’s (DA) ang P20 Rice Project.

Sa pamamagitan ng inisyatibo ng Navotas local government unit (LGU) makabibili na ng murang bigas sa halagang P20 kada kilo ang mga residente at kabilang sa makikinabang o mga benepisaryo ng murang bigas ay mga kasapi ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, persons with disability (PWDs) at solo parents.

Ang programa ay isinulong sa Kadiwa Center sa Navotas City Hall at Agora Market na pagbabagsakan ng DA.

Layunin ng programa na mabigyan ng sapat at abot kayang bilihin ang mga mamamayan.

               Ang P20 Rice Project ay ipinatupad ng DA sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), at sa pakikipagtulungan ng Navotas LGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco.

“We thank President Bongbong Marcos and the Department of Agriculture for making this possible. Sa halagang P20 kada kilo, makasesegurado tayong hindi lang mura kundi de-kalidad na bigas ang mabibili ng bawat Navoteño, lalo na ang nasa vulnerable sectors.”  ayon sa alkalde. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …