Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Todo ambisyon si Cayetano; Parañaque hawak daw ni Jojo

TODO na ang tingin ni Senador Allan Peter Cayetano sa 2016.

Ito ang kapansin-pansin sa ikinikilos ng mamang taga-Taguig dahil bukod sa sakay nang sakay sa isyu ay halatadong panay na rin ang ikot niya sa buong bansa.

Maging ang mga tauhan raw niya ay aligaga na sa pagtutok ng kampanya ni Allan na ang asawa ay si Taguig Mayor Lani dahil desidido raw ang senador na sumabak sa mas mataas na posisyon sa 2016.

Dumidiskarte na rin daw ang mambabatas sa lahat ng pwedeng maging tandem sa 2016 lalo’t marami sa kanyang mga kasamahan sa ngayon sa Senado ay biglang bumaho sa publiko.

Maging ang pakikipagbati sa mga Binay sa usapin ng Fort Bonifacio ay halatang scripted sa panig ng dalawang politiko dahil nahalata nilang parehas silang nasisira sa tao sa pagbabangayan sa usapin ng The Fort, na ang lundo naman talaga ay ang perang ipinapasok ng mga establishment sa naturang lugar sa kabang bayan.

Nagtataka tuloy ang tao kung bakit lumakas ang loob ni Mang Allan gayong dati raw ay alumpihit sa pagtaas ng posisyon dahil sa usapin ng panggastos o pera.

Pero kakaiba na raw ngayon ang majority leader ng Mataas na Kapulungan magmula nang mahawakan nila ang trangko o pinakamataas na pwesto sa Taguig.

‘Yan ang ating babantayan dahil posibleng ang Taguig ang gawin niyang tuntungan para sa pangarap na pwesto sa 2016.

***

Sino itong alyas Jojo na sanggang dikit rawni Mayor Edwin Olivarez?

Kung tama ang ating pagkaalala, isang Jojo rin ang nagpahamak kay dating Paranaque City Mayor Joey Marquez sa isyu ng walis tingting.

Ito raw ang usap-usapan ngayon sa Parañaque dahil kung iisa lamang ang Jojo na bata ngayon ni Mayor Edwin Olivarez at Marquez ay posibleng sa Ombudsman ang punta ng kasalukuyang alkalde.

May balita rin kasi tayong itong Jojo ang siyang nagpahamak din sa isang dating city mayor sa northern part ng Metro Manila kaya nasampahan ng kaso sa Ombudsman dahil hindi naman kwalipikadong magsuplay ng bigas pero lumusot pa rin at gamit ang lisensiyang para lamang sa pagsusuplay ng computer.

‘Yan ang ating aabangan dahil posibleng madamay rito si Olivarez.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …