Thursday , August 7 2025
Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

050925 Hataw Frontpage

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa Senado si LAKAS-CMD Senatorial Candidate Erwin Tulfo ayon sa pinakabagong pre-election survey.

Pinatitibay nito ang kanyang matatag na estado bilang consistent frontrunner sa mga survey ng pangunahing polling firms sa bansa.

Sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) Survey na isinagawa nitong 2-6 Mayo, nananatiling mataas ang momentum ni Tulfo na nagkamit ng 45% voting preference.

Kasunod ni Tulfo sina Christopher Go, Tito Sotto, Lito Lapid, at Ben Tulfo at kabilang rin sa mga nasa “winning circle” sina Ping Lacson, Abby Binay, Ronald Dela Rosa, Camille Villar, Pia Cayetano, Bong Revilla, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Willie Revillame, Benhur Abalos, at Bam Aquino.

Sa kabila ng mga isyung politikal sa bansa, nananatiling mataas ang ranggo ng kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa mga nakaraang Senate surveys ng WR Numero, OCTA Research, at Pulse Asia, na higit pang nagpapatatag sa kanyang posisyon bilang isang matibay na kandidato para sa Senado.

“Hindi lang basta numero ang mga resultang ito—ito ay sumasalamin sa matibay na suporta ng mga Filipino hindi lamang para sa akin, kundi pati na rin sa mga adbokasiyang ipinaglalaban ko para sa mga Filipino,” pahayag ni Tulfo.

Sa nalalabing araw ng kampanya, tiniyak ng mambabatas na ipagpapatuloy niya ang pangangampanya at lalong palalawakin ang pagpapaabot ng kanyang mensahe sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang sa mga pangunahing panukalang batas na isusulong ni Tulfo sakaling mahalal sa Senado ay ang Barangay Officials and Workers’ Compensation Act, Rice Tariffication Law Amendments, OFW Pension Act, Zero Hospital Billing for OFWs Act, at Institutionalization of Sustainable Livelihood Program,

at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

KMPC Kawasaki Motors Atty John Bonifacio

Hiling sa DOLE
KAWASAKI MOTORS NAIS IDEKLARANG ILEGAL, WELGA NG UNYON
Opisyal, BOD ipinasisisbak 

NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board …

National Electrification Administration NEA

90 electric coops mas mababa pa singil sa koryente kaysa Meralco — NEA

HATAW News Team NASA 90 electric cooperatives ang nakapagtatakda ng mas murang singil sa koryente …

Pulilan Bulacan PNP Police

Sa 5-min. emergency response ng PNP
MIYEMBRO NG AGAW-MOTORSIKLO TIKLO

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo matapos na muling umatake sa …

Clark Pampanga

Scam hub sa Port of Clark sinalakay, 20 dayuhan timbog, 8 Pinoy nasagip

NASAGIP ang walong Filipino habang nadakip ang 20 Chinese nationals sa pinaniniwalaang scam hub sa …

Arrest Posas Handcuff

Binatilyo nanuntok, nanaksak ng estudyante, nasakote

DINAKIP ang 16-anyos binatilyo na sinabing nanuntok at nanaksak sa isang estudyante na galing sa …