Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skyway inaabangan na

Umpisang pakarera para sa samahan ng “Klub Don Juan de Manila” (KDJM) ngayong gabi sa pista ng Metro Turf, kaya paniguradong masaya at magaganda ang bentahan sa walong karerang lalargahan. Pero sampol pa lang ang magaganap na iyan dahil sa darating na araw ng Linggo ay naroon ang kanilang pinakatampok na pakarera. Kaya maagang magtungo sa paborito ninyong OTB upang makakuha ng maganda at kumportableng puwesto na mauupuan.

Maliban sa KDJM Derby Race sa Linggo ay idaraos din ang 2013 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” na kinabibilangan ng mga magagandang babaeng mananakbo na sina Amberdini, Arriba Amor, Blush Of Victory, Cat’s Diamond, Fierce And Fiery, Laguna, Leonor, Life Is Beautiful, Prime Rate, Queen Quaker at Spring Collection.

Sila ay maglalaban sa medyo mahabang distansiya na 1,800 meters at may nakalaan na halagang P900,000.00 bilang groseng papremyo sa mananalo. Kaya ngayon pa lang ay pag-isipan nang gumayak at magkitakits tayo sa Malvar, Batangas sa Linggo

oOo

Binabati ko ang koneksiyon ng mga kabayong sina “Skyway” at “Mr. Bond” na nagwagi sa naganap na 2013 PHILRACOM 4th Leg, Juvenile Stakes Races sa SLLP para sa grupo ng 2YO na kababaihan at kalalakihan ayon sa pagkakasunod. Iyon nga lang ay mas marami ang humanga kay Skyway dahil sa nagawa niyang pruweba na 1:35.0 (17’-25-25-27’) sa distansiyang 1,500 meters. Si Mr. Bond naman ay nakagawa ng tiyempong 1:36.6 (17-24’-26-29) sa pareho din na distansiya, pero pawala na nung tumawid sa meta.

Kaya pagkatapos ng dalawang magkahiwalay na labang iyan inaabangan na si Skyway ng mga BKs dahil sa napipisil na siya na magiging kampeon sa mga 2YO ngayong taon.

Para naman sa mga klasmeyts diyan sa lugar ng Balic-Balic sa Sampaloc, lalo na sa Barangay-546 Zone-54 ay nais ko sanang kumatok sa inyong mga puso para kay Engr. Ciriaco Alcantara bilang chairman ng inyong lugar. Maraming salamat po.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …