Friday , September 5 2025
Bigas Rice P20 per kilo

P20/kilo ni Marcos ‘gimik’ para makapuntos ng boto — CPP

KASUKLAM-SUKLAM ang gobyernong Marcos sa paggamit sa gutom at kahirapan ng mga Filipino para lang makagimik at makapuntos ng boto sa eleksiyon.”

Ito ang reaksiyon ni Marco Valbuena, punong opisyal sa impormasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa idineklarang plano ni Marcos na magbenta ang gobyerno ng bigas na P20 kada kilo sa mga mamimili sa Visayas simula ngayong araw, 1 Mayo.

“Walang naloloko si Marcos sa gimik niyang ito,” ani Valbuena sa kanilang pahayag na ipinadala sa email ng iba’t ibang media entity sa bansa.

“Alam na alam ng mga tindera sa palengke, drayber ng traysikad sa kalunsuran hanggang sa mga magsasaka, manggagawang bukid at minoryang mamamayan sa kanayunan, na desperadong gimik lang ito para magbango sa eleksiyon at kunin ang suporta sa kanyang mga kandidato.

“Sa pinakamatagal, tatagal lamang ng tatlong linggo ang pakitang-taong programa at mapapakinabangan lamang ito sa piling mga lugar at maliit na bilang ng mga Filipino,” saad sa pahayag.

Bukod sa ‘gimik’ ni Marcos, binatikos ni Valbuena ang ‘pagmamalinis’ ni Sara Duterte.

Aniya, “walang karapatan na magmagaling si Sara Duterte dahil punong salarin ang kanyang ama na si Rodrigo sa dinaranas ngayong sobrang taas na presyo ng bigas.”

Tinukoy ni Valbuena na panahon ni Duterte isinabatas ang Rice Liberalization Law na nagbukas sa bansa sa malawakang importasyon ng bigas.

“Hindi lamang ito sumira sa lokal na produksiyon, ibinigay din nito sa mga gahaman at hayok sa tubo na mga kartel at burukrata-kapitalista ang kontrol sa suplay at presyo ng bigas.”

“Sa panahon ni Duterte pinakamabilis sumirit ang presyo ng bigas dahil sa ipinasa niyang batas sa liberalisasyon sa importasyon nito.”

“Magkarugtong ang mga halang na bituka ng mga Marcos at Duterte,” aniya. “Lahat ng masamang patakaran ni Duterte noon, ipinagpatuloy at lalo pang pinalala ni Marcos.”

Higit lamang na ipinamamalas ng girian ng mga Marcos at Duterte, na parehong salarin ng kahirapan ng mga Filipino, ang kabulukan ng reaksiyonaryong politika at eleksiyon sa Filipinas.

“Lumahok man ang masang anakpawis sa eleksiyon, batid nila na sa pangunahin, paligsahan lamang ito ng pinamalalaking burukrata-kapitalistang nagsisikuhan para sa pagkontrol sa gobyerno at kaban ng bayan,” aniya. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Ombudsman

Cayetano sa Ombudsman: Magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno

Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng maagap …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Rapist na kabilang sa top most wanted sa Central Luzon, arestado

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Central …

FGO Logo

Gamit ang Carrot, Patatas at Camote
CLEANSING DIET UPANG MAPABILIS ANG PAGGALING NG MAY SAKIT

MALAKING bahagi ng wastong paggamot ang diet, o ang pagkain ng wastong uri ng pagkain …

Angeles Pampanga Police PNP

4 miyembro ng hold-up gang timbog sa checkpoint; baril, granada nakompiska

ARESTADO ang apat na kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng hold-up gang sa isang checkpoint operation …

Motorcycle Hand

Nakaw na motorsiklo pinang-good time, suspek timbog

NADAKIP ang isang suspek sa pang-aagaw ng motorsiklo matapos mahuli sa aktong paggamit nito sa …