Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malabon City
Malabon City

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie Sandoval  kung mabibigong malusutan ang inilabas na show cause order ng Commission on Elections (Comelec) matapos mapabiliang ang kanyang pangalan sa inilabas na listahan ng mga dapat magpaliwanag kaugnay ng vote buying.

Batay sa inilabas na dokumento ng Comelec, si Sandoval ay inakusahan ng vote buying matapos nitong gamitin ang social media pages ng lungsod sa kanyang pangangampanya.

Sa social media page ng lungsod lumalabas na ginamit sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card ngayong kasagsagan ng kampanyahan na maituturing na isang paghihikayat na kapalit ng boto pabor sa namimigay.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9006 (Fair Election Act) at Omnibus Election Code mahigpit na ipinagbabawal ang pamimigay ng pera, regalo, pagkain o ayuda kapalit ng pagboto  at pagsuporta sa  isang kandidato.

Nakapaloob din sa batas na maaaring managot hindi lamang ang namimigay kundi maging ang mga  tumatanggap ay maaaring patawan ng karagdagang parusa, kabilang ang pagkakakulong at pagkansela ng karapatang bumoto o tumakbo sa eleksiyon.

Magugunitang marami nang naunang inisyuhan ng show cause order dahil sa mahigpit na pagbabantay upang matiyak ang patas at malinis na eleksiyon sa Malabon at sa buong bansa.

Bukod dito, magugunitang nahaharap ang mag-asawang Ricky Sandoval at Jeannie Sandoval sa malaking isyu kaugnay ng pamimigay ng mga sertipiko na may larawan nila sa mga recognition at graduation ceremonies, isang malinaw na paglabag sa mga patakaran ng COMELEC. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …