Friday , May 9 2025
Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Taguig na yakapin ang kanilang papel bilang mga ahente ng pagbabago sa kanilang mga komunidad, hindi lamang mga tagapagpatupad ng proyekto.

Binigyang-diin ng senador, ang tunay na pagbabago ay nangangailangan ng higit pa sa mga patakaran, gantimpala, o parusa.

“Bilang mga chairperson ng SK, hindi kayo reactionary. Hindi kayo nakatingin lang. Bahagi kayo ng nagdedetermina sa kinabukasan ng mga Taguigeño. Kaya kailangan talaga nating magkaroon ng sistema, isang plano para sa pagbabago,” ani Cayetano sa mga batang lider.

Aniya, ang pagbabago ay nangangahulugan ng pangmatagalang makabuluhang pagbabago sa buhay ng mga tao, na nakakamit sa pamamagitan ng matatag, data-driven na mga programa na ang mga resulta ay naipon sa paglipas ng panahon.

“Ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa pagbabago. At hindi ka magbabago sa pamamagitan lamang ng pagkatakot sa lahat o iutos mo o [bigyan mo ng] napakalaking gantimpala o napakalaking parusa. Ang mga parusa at insentibo ay gumagana ngunit hindi para baguhin ka,” aniya.

Si Cayetano, pumasok sa politika sa edad na 21 anyos, ay hinimok ang mga opisyal ng SK na tumingin nang lampas sa mga panandaliang target at mga siklo ng halalan.

“Kung maaari akong bumalik sa nakaraan, hindi ko muna iisipin kung kaya kong magkaroon ng 50 iskolar at kung ano ang magagawa ko sa susunod na halalan. Ang iisipin ko muna, kaya ko bang baguhin ang limang buhay?” aniya.

“Hindi ko sinasabing huwag magplano. Sinasabi ko, ang nakapipili o nagkukumpol na [epekto] ay mahalaga,” dagdag niya.

Hinimok ni Cayetano ang mga kabataan na tingnan ang mga problema bilang mga pagkakataon upang mag-imbento at mamuno.

               “Para sa ilan, naguguluhan sila sa kung ano ang mangyayari bukas. Ngunit ang mga lider ay hindi nakakikita ng mga problema o hamon. Nakakikita sila ng mga pagkakataon… ang paglutas ng problema ay isang pagkakataon,” aniya.

Habang papalapit ang Mahal na Araw, hinimok ni Cayetano ang mga batang opisyal na magnilay sa kanilang layunin. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Bam Aquino Bimby

Bimby inendoso ang tiyuhin na si Bam Aquino

ISA pang miyembro ng pamilya Aquino ang nag-endoso sa kandidatura ni dating Senator at independent senatorial candidate Bam …

Maja Salvador Emojination Chammy Chad Kinis

Maja nagpa-sexy muna bago bumalik sa showbiz 

I-FLEXni Jun Nardo NAGBAWAS muna si Maja Salvador ng manas-manas bago tuluyang bumalik sa showbiz. …

050925 Hataw Frontpage

SENATORIAL CANDIDATE DANTE MARCOLETA #38, NANGUNA SA BARANGAY SURVEY;
Libo-libong Tagasuporta Dumagsa sa Miting de Avance sa Philippine Arena

Sa nalalapit na halalan sa 2025, nagsagawa ng engrandeng Miting de Avance si Senatorial candidate …