Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong ng ayudang ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga mamamayan ngunit hindi dapat na dito lamang umasa dahil hindi ito sostenible o kayang panatilihin sa mahabang panahon.

Iginiit ni Diaz, dapat ang ayuda ay tutugon sa long term plan katulad ng pagbibigay ng mga livelihood program upang magkaroon sila ng kabuhayan at  palalakasin pa ang employment opportunities sa bawat mamamayan.

Tinukoy ni Diaz, isang magandang halimbawa na tulad ng Taytay na kilala sa wood works at garments.

Kung kaya’t tiniyak ni Diaz na sandaling maupo sila sa kongreso ay kanilang paglalaanan ng karagdagang pondo ang Taytay, Rizal upang lalo pa nitong mapalago ang kanilang mga woodwork at pagiging garments industry capital.

Binigyang-diin ni Diaz, dapat ay maging balanse ang dalawa lalo na’t hindi naman agarang nararamdaman ang epekto ng Livelihood.

Ang PKP ay nag-ikot sa Barangay Sta. Ana, Taytay Rizal kasama si konsehal Arky Manning at PKP 2nd nominee Miguel Kallos.

Aminado si  Manning na lubhang napakalawak ng mga problema na kinakaharap ng Taytay at isang positibong aksiyon ang ginagawa ng PKP upang matulungan lalo ang mga miyembro ng ‘modernong pamilya’ na kadalasang nahaharap sa iba’t ibang uri ng problema.

Idinagdag ni Manning, ang kakulangan ng edukasyon, ang kakulangan ng trabaho, at maayos na kalusugan ang ilan sa mga problemang kinakaharap ng mga mamamayan.

Sinabi ni Kallos, nais nilang mahikayat at isama ang lahat ng pamilya lalo ang mga nabibilang sa ‘LOVABLES’ at upang maiangat ang kanilang kalagayan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …