Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2nd batch sa PDAF kakasuhan bago Undas

TINIYAK ni Justice Justice Secretary Leila de Lima na bago sumapit ang unang araw ng Nobyembre ay maisampa na ang second batch ng kaso hinggil sa kontrobersyal na pork barrel scam.

Sinabi ni De Lima, posibleng sa susunod na linggo bago ang araw ng All Soul’s at All Saint’s Day ay tuluyan nang maisampa ang kaso sa iba pang mga sangkot sa anomalya.

Paliwanag ng kalihim, naantala ang pagsasampa ng kaso sa iba pang dawit dahil sa dami ng mga dokumento na kanilang inihahanda.

Aniya, mas marami ang mga dokumento kung ikokompara sa mga ebidensyang nakalap noong isinampa ang first batch laban sa mga sangkot sa PDAF anomaly.

Ayaw na rin munang idetalye ng opisyal kung ilan at kung sino-sino ang mga posibleng kasuhan lalo na sa mga senador.

“Ginagawa na kaya nade-delay na naman is because ‘yung voluminous docus, mas marami ito kaysa 1st batch, kaya up to now di ko pa pwedeng sabihin kasi we are in the continuing process validating checking double checking gusto namin maniguro na sapat ang ebidensya for each of the respondents,” ani De Lima.

Bago ito ay nangantyaw pa si Sen. Jinggoy Estrada sa DoJ kung nasaan na ang ipinangako na maghahain ng dagdag na kaso sa iba pang nasasangkot sa pork barrel scam. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …