Friday , September 19 2025
Cayetano in Action with Boy Abunda

Cayetano in Action with Boy Abunda wagi sa PMPC bilang ‘Best Public Affairs Program at Host’

BIG TIME winner ang Cayetano in Action with Boy Abunda sa 38th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television matapos magwagi ng dalawang award ang Best Public Affairs Program at Best Public Affairs Program Host.

Gaganapin ang star-studded na awarding ceremony sa March 23, 2025 sa Dolphy Theater, kung saan magtitipon ang mga pinakasikat na pangalan sa showbiz at telebisyon.

Sa paggabay ng magkapatid na senador na sina Senador ‘Kuya’ Alan Peter at ‘Ate’ Pia Cayetano, kasama ang one and only King of Talk na si Boy Abunda, patuloy na tumutulong ang programa sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy.

Mapapanood ito tuwing Linggo, 11:00 ng gabi sa GMA 7. May replays tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi sa GTV.

Ipinagpapatuloy nina Kuya Alan at Ate Pia ang legacy ng kanilang yumaong ama na si Senador Rene Cayetano, na kilala rin sa kanyang iconic na programa sa radyo at TV na “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Sa pamamagitan ng Cayetano in Action with Boy Abunda, nais nilang ipagpatuloy ang adhikain ng kanilang ama na maglingkod sa taumbayan.

“My dad’s purpose, aside from serving the Lord, was to practice the law. Na-realize niya na kaya niya pinag-aralan ang batas ay dahil sa mabubuting magagawa niya rito sa Senado at sa batas. And I can relate to him,” kuwento ni Kuya Alan.

“Kasi katulad nga ng sinabi sa Bible, the law was made for man, not man made for the law,” dagdag pa ni Kuya Alan.

Dalawang taon nang umeere ang Cayetano in Action with Boy Abunda mula nang unang ipinalabas noong February 5, 2023.

May iba’t ibang segment ang programa kung saan nakikinig sina Kuya Alan at Ate Pia sa mga hinaing ng mga ordinaryong Filipino.  Bilang parehong beteranong mambabatas at abogado, handa silang magbigay ng payo at solusyon sa mga problema ng mga tao.

Inaanyayahan ni Kuya Alan ang lahat na manood at matuto tungkol sa batas, pamilya, at pagmamalasakit sa kapwa.

“Sa ating mga kababayan, lalo na ‘yung mga may malalaking problema sa kanilang buhay, whether financial or relational, huwag kayong magdalawang-isip na lumapit sa amin ni Ate Pia,” wika niya.

Abangan pa ang mas pinaigting na public service at makabuluhang diskusyon sa Cayetano in Action with Boy Abunda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ICI Independent Commission for Infrastructure

Senado at Kongreso, pinabibitiw sa imbestigasyon
7 SA 10 PINOY, MAS TIWALA SA INDEPENDENT COMMISSION

PITO sa bawat 10 Filipino ang gustong magpaubaya ang Senado at kongreso sa independent commission …

Poten-Cee Quill Anvil

50th anniversary campaign ng Poten-Cee, wagi sa Quill at Anvil

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG taon matapos ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo nito, patuloy na …

Robb Guinto homemade Hamonado Bologna Sweet Garlic Longganisa

Robb Guinto business minded talaga, Robb’s Homemade Products available na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Robb Guinto ay may maipagmamalaking ipatikim sa …

Victorino Mapa High School Alumni Association Inc VMHSAAI Blue Falcon Award

Nominasyon sa Blue Falcon Award 2026 bukas na

MATABILni John Fontanilla TUMATANGGAP na ang Victorino Mapa High School Alumni Association, Inc. (VMHSAAI) sa pamumuno ni …

Joel Cruz Business 101 What Worked for Me

Book Launch ni Joel Cruz matagumpay 

MATABILni John Fontanilla TAOS-PUSONG nagpasalamat si Joel Cruz sa matagumpay na launching ng kanyang libro, ang Business 101: …