Saturday , August 23 2025
3 panukala bilang proteksiyon sa modernong sambahayang Pinoy ilalarga ng Pamilya Ko Partylist

3 panukala bilang proteksiyon sa modernong sambahayang Pinoy ilalarga ng Pamilya Ko Partylist

ISANG modernong pamilyang Filipino na labas sa konsepto ng isang kombensiyonal na pamilya ang nais katawanin ng Pamilya Ko Partylist sa kongreso sa sandaling sila ay manalo.

Ito ang tahasang sinabi  ni Atty. Anel Diaz, ang  first nominee ng naturang partylist, nang umikot at magbahay-bahay sa malaking bahagi ng Barangay 78 sa Caloocan City, kasama ang kanyang mga tagasuporta.

Tinukoy ni Diaz na gumawa sila ng isang acronym na “lovables” na sumasagisag sa mga live-in partners, OFW families, victims of domestic abuse, adopted families, blended families, extended and elderlies, at solo parents na makikinabang sa batas na nais nilang maipasa sa kongreso.

Tatlo aniyang legislative measures ang ihahain nila kung sakaling makasungkit ng puwesto sa kongreso at una na rito ang magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng mga bata, lalo na sa mana ng magulang, maging sila man ay ipinanganak ng ina na hindi kasal sa asawa.

Nakatakda nilang ihain  ang panukalang “domestic partnership law” na pakikinabangan ng mga live-in partners at mga LGBTQ o lesbian, gay, bisexual, at transgender couples na matagal nang nagsasama.

Sa gayon, sila ay magkaroon ng karapatan na makapagmana at mangasiwa sa kanilang ari-arian at mabigyan ng karapatang makapagdesisyon sa usaping medikal kung sakali’t dinala nila sa pagamutan ang kanilang partner na may malubhang kalagayan.

Ang ikatlong isusulong na  panukalang batas  ay magkaroon ng legal na batayan ang surrogacy o ‘yung pagbabayad sa mga babaeng magluluwal ng sanggol para maging anak ng mag-asawang hindi magkaanak.

Aminado si Diaz, sa ngayon ay walang batas na magre-regulate sa surrogacy kaya karaniwan na itong tinatagurian bilang pang-aabuso at pagsasamantala.

“Alamin natin ‘yung conditions, parameters, proteksiyonan natin ‘yung magulang, ‘yung sanggol at ‘yung surrogate kasi tatlong partido ang involve dito,” pagwawakas ni  Diaz. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Senglot naghuramentado, arestado

MABILIS na napigilan ng pulisya ang isang marahas at posibleng pagdanak ng dugo nang maghuramentado …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Drug bust sa Bulacan: 3 big time tulak nalambat

ARESTADO ang tatlong bigtime drug peddlers na pinaniniwalaang sangkot sa bulk distribution ng shabu na …

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros …