Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr

300 aprobado with co-authors
Bong Revilla, naghain ng 2,000 bills sa 3 loob ng dekadang pagsisilbi

NAKAKUHA ng matinding atensiyon si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nang dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa bawat lansangan nang tahakin ng kanyang convoy ang ginanap na motorcade nitong Miyerkoles ng tanghali sa Pasay City.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Senator Revilla hindi niya napigil ang sarili na maghayag ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng dinanas niyang kapighatian matapos yurakan ang kanyang pagkatao sa mga maling akusasyon na kalaunan ay napatunayang walang katotohanan.

Tiniyak ng senador na dadalhin niya sa mga isasagawang kampanya nila ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, kasama ang kanyang mga katiket, ang mga naipasa niyang batas, pati ang mga matagumpay na programa at proyekto, na pinakikinabangan ng kanyang mga kababayan hanggang ngayon na kanyang napagtagumpayan sa loob ng 30-taon niya sa pagiging public servant.

Bago naging mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Sen. Revilla, naglingkod muna siya bilang bise gobernador hanggang maging gobernador ng lalawigan ng Cavite at naitalaga rin bilang chairman ng Video Regulatory Board (VRB) kung kailan nalansag ang sindikato ng mga dayuhan na nagpapakalat ng kopya ng piniratang mga pelikulang lokal at dayuhan.

Sa kanyang pagtatrabaho bilang mambabatas, kasama siya ng ibang senador sa pagpapasa ng may 300 panukalang batas mula sa 2,000 niyang inihaing panukala, kabilang dito ang lifetime validity ng birth certificate, at Expanded Centenarian Law kasama niya si Sen. Imee Marcos.

Tiniyak ni Sen. Revilla na ipaglalaban niya ang karapatan ng bawa’t mamamayan hanggang sa huling patak ng kanyang dugo dahil nakatatak na sa kanyang pagkatao ang pagiging mandirigma. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …