Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
117 AGAP Partylist

#117 AGAP Partylist nagalak sa ‘nasampolang’ bodega ng bigas sa  Bocaue, Bulacan

IKINALUGOD ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist ang pagkakahuli at pagsasampa ng reklamo sa apat na indibiduwal nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Agriculture (DA) ang isang bodega ng bigas sa Bocaue, Bulacan nitong Lunes, 10 Pebrero 2025.

Iginiit ni AGAP Partylist Rep. Nicanor “Nick” Briones na dapat masampolan din ang mga may-ari ng bigas at warehouse sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12022 o mas kilala bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na may parusang life time imprisonment at nonbailable.

Aniya, hindi sapat na ang warehouse manager, dalawang kahera, at isang inventory officer ng bodega lamang ang masasampahan ng kasong hoarding, adulteration, profiteering, untruthful labeling, at economic sabotage.

Nitong Huwebes, sumalang na sa inquest proceedings sa DoJ ang 4 kataong naaresto ng NBI, at bukod sa kanila kabilang din sa sinampahan ng reklamo ang Pinoy na may-ari ng bodega pero nananatiling at-large.

Sinabing ang rehistradong nagmamay-ari ng bodega, ang Rice Milling at Rice Retailing sa Golden City, Taal, Bocaue, Bulacan ay isang Elizabeth Pineda base sa nakuha ng NBI at DA sa sanitary permit at certification of annual inspection na inisyu ng munisipalidad ng Bocaue.

Natutuwa si Briones kung ang mga sumalakay sa naturang bodega ay parte na ng enforcement group, na nag-iimbestiga, at nag-iinspeksiyon sa mga bodega na posibleng sangkot sa mga nagsasamantala sa mga consumer dahil patuloy na mataas ang presyo ng bigas, na dapat bumaba na ng P14 per kilo dahil sa pagbaba ng 20% ng taripa at pagbababa sa world market price mula sa $600-$400 per metric ton.

“Tama lamang na inspeksiyonin ang lahat ng mga bodega na posibleng nagho-hoard at nagtatago ng bigas kaya hindi bumababa ang presyo nito,” wika ni Briones.

Sinasabing ang nadiskubreng tone-toneladang bigas na pinaghalo-halong luma at ibang klaseng bigas para maibenta sa merkado ng mas mataas na presyo.

Kasabay nito, nanawagan si Briones sa pamahalaan na magpatupad muna ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported na karne ng baboy bago sa lokal na baboy at iyon ang maghahatak pababa sa presyo ng lokal na karne ng baboy.

Paliwanag ng solon, sa ganitong paraan makababawi ang mga local hog raisers na nalugi dahil sa tumamang African Swine Fever (ASF) sa kanilang mga alagang baboy.

Samantala, kabilang sa mga nakikitang dahilan ni Briones kung bakit tumataas ang halaga ng karneng baboy dahil sa ASF na tumama noong mga nakaraang taon, ay ang pagkakaroon ng maraming fiesta at dahil election period na maraming aktibidad at umiikot na pera na nagpapataas ng demand nito.

Patuloy ang panawagn ng #117 AGAP Partylist na tuluyang ma-enforce ng council ang batas na nasa ilalim ng Office of the President at kung may enforcement group maipatupad kaagad ang Anti-Economic Sabotage Act at mahuli ang mga mapagsamantala at makasuhan ang mga smugglers, hoarders, at profiteers.

Hinikayat ni Rep. Briones ang mamamayan na muling pagkatiwalaan at tangkilikin ang #117 AGAP Partylist na tunay na may sektor ng agrikulatura at may adbokasiya na ipaglaban ang kapakanan at hanapbuhay ng mga magsasaka.

Kailangan natin ng maunlad na magsasaka para sa mura, de kalidad at sapat na pagkain ng pamilyang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …