Tuesday , August 12 2025
Francis Tol Tolentino

Tolentino tiwala  sa suporta ng mga alkalde para muling makabalik sa Senado

TIWALA si re-electionist Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino sa suporta ng mga alkalde sa kanyang kandidatura upang muling makabalik sa senado.

Ito ay matapos niyang dumalo sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines na ginanap sa Manila Hotel.

Aminado si Tolentino na marami sa mga miyembro ng liga ay pawang mga kaibigan niya kung kaya’t alam niyang may sumusuporta sa kanya para sa panibagong laban upang muling mahalal sa senado.

Ngunit batid ni Tolentino na hindi lahat ay kanyang aasahan pero nanalig siyang magbabago ang mga isipan nito para siya ay ikampanya sa kani-kanilang mga nasasakupang munisipalidad.

Si Tolentino ay minsan nang naging Pangulo ng liga kung kaya’t batid niya ang hirap na mamuno sa 1,100 mga alkalde na nagparehistro sa naturang pagtitipon.

Bukod sa liga ay nauna nang ipinagmalaki ni Tolentino ang kanyang mga naiambag na  mga batas para makatulong sa mga mamamayang Filipino.

Samantala, tinukoy ni Tolentino na isa sa dahilan ng kanyang pagsapi sa Alyansa ay dahil nagkakaisa sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pananaw ukol sa West Philippine Sea (WPS).

Suportadovni Tolentino ang isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon na joint exercises noong nakaraang linggo kasama ang US, Japan, Australia, at Filipinas para sa paninindigan sa ating soberanya.

Patunay dito ang pagiging batas ng Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na napapakinabangan na ngayon sa isyu sa WPS. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …