Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 ukay-ukay importers swak sa smuggling

Nahaharap  sa kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ang dalawang importers ng mga ukay-ukay na kinasuhan ng Bureau of Customs (BoC).

Ayon kay BoC Commissioner Ruffy Biazon, ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Luisa Villa Pascual, may-ari ng Great Circles Trading at Jessie Carlos Dionisio, may-ari ng Farold  International.

Inihayag ni Biazon na kabilang sa isinampang kaso sa mga akusado ang paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines.

Aniya, umaabot sa P60 million ang halaga ng ukay-ukay shipment ang nasabat ng mga awtoridad.

Bukod sa may-ari,  kinasuhan din ang brokers na sina Jeff Eyrron Juta at Nikov Ashley Vista.

Sa imbestigasyon, nagpasok sa bansa ang Great Circles Trading ng isang 40-footer container van at idineklarang mga laruan ngunit nadiskubreng naglalaman ito ng P7.5 million ukay-ukay.

Samantala, nasa 40-foot container van naman na idineklarang machinery spare parts, pneumatic tools, hardware items at school supplies ang ipinasok ng Farold International na natuklasang naglalaman ng P52.5 million used clothings.

Nabatid na ang na-sabing mga kontrabando ay nasabat ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation sa Manila International Container Port (MICP).

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …