Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korean company nasikwatan ng P.2-M gadgets

NALIMAS ang mahigit P.2 milyong halaga ng mga makabagong electronic gadgets sa tanggapan ng isang Korean national matapos pasukin ng mga kawatan kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Natuklasan  ni John Kim, 31, residente ng 145-B Elysium, BF Homes, ang panloloob nang ipabatid sa kanya ng empleyadong si Cindy Laine Sial, 26, na siyang unang nagbubukas ng tanggapan pasado 9:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Christopher Mamigo at PO2 Bernardo Catalan ng Investigation and Detective Management Section ng Paraña-que police, sa likurang bahagi ng Star Finder Office na nasa 366 Unit-A El Grande, BF Homes pumasok ang mga suspek matapos baklasin ang sliding window.

Kabilang sa mga nakulimbat ang mga laptop, netbook, pocket wifi, cellphone, LCD monitor at hard drive na may kabuuang halagang P253,400.

Kilala na ng pulisya ang mga suspek matapos mai-record ng nakakabit na close circuit television camera (CCTV) ang pagnanakaw at  tinutugis na ng mga kawatan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …