Friday , April 18 2025
Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc sa senado at hindi sa partylist tatakbo

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sa mga taga-showbiz na susubok sa politika ay ang male singer na si Jimmy Bondoc na tatakbong senador sa May 2025 elections.

Nalaman namin na dapat sana ay sa isang party list tatakbo si Jimmy.

“Lahat ng kilala niyong tumatakbo gustong manalo, ‘di ba, wala naman sigurong baliw na gustong matalo.

“Nagtanong po ako sa mga bihasa sa eleksiyon at nakita po nila ‘yung patterns, na kapag ikaw ay celebrity or kilalang tao mas may pag-asa ka pa sa senado kasi hindi single vote.

“So for the political reason iyon po ang dahilan. Sa senate makikisuyo ka, ‘baka puwede niyo akong isali sa top 12 niyo.’

“Pero sa distrito, halimbawa rito, hindi ako mananalo sa distrito na ‘to, kahit anong gawin ko.

“Sa party list marami ng may-ari, even ‘yung mga current power ngayon may mga tigte-30 na party list, binubuhusan nila ng pera.

“So sino ba naman ang gustong matalo ‘di ba? If I go into the senate race, manalo matalo, at least malalaman po ng taumbayan that I am a contender.

“Pero ayokong matalo siyempre naman, mananalo tayo,” at ngumiti si Jimmy.

“So iyon po, iyon ang political reason. Pero even on the ano naman, on the other aspect…”


May personal reason si Jimmy.

Mayroon din, and feeling ko, pakiramdam ko po na ‘yung karunungan ko sa batas and ‘yung connections ko sa legal community will be best used in a legislative capacity in the Upper House.”

Si Jimmy ay isa ring abogado, isa siya sa mahigit 3,000 nakapasa sa Bar Exams noong Disyembre 2023.

Kapag nanalong senador, may gagawin si Jimmy para sa kapakanan ng mga nasa showbiz industry.

Definitely! Alam niyo mayroon akong aaminin sa inyo. Kung minsan kaya ko po hindi isinasali ‘yan sa mga interview, although sa aking legislative agenda mataas iyang plano ko sa music and sa arts na industry.

“Kasi po kapag binabanggit ko ‘yan may mga tao na ang reaksiyon sa atin, sa mga ginagawa natin, ay hindi masyadong mahalaga.

“Hindi ko po gusto ‘yun dahil para sa akin, noong pandemya sino bang bumuhay sa mental health ng buong mundo?

“Kundi tayo, kayo, kayo! Kayong mga mamamahayag, ‘yung gumagawa ng content. Naniniwala po ako na ang music is a labor and an economic force.

“Labor force iyan, untapped! Unlike sa K-pop gamit na gamit ang K-pop as a labor force, as an economic force, as a tourism force.

“Therefore gawa ng komisyon. At hindi lang po ‘yun, yung NCCA is doing a good job, pero kasi kailangan po i-segregate eh, may sarili dapat na commission talaga for performing artists. 

“Para magamit natin ang arts sa pagpapakilala ng tunay na Filipino sa ibang bansa.

“So iyon po I’m hoping in creating budget and the commission.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …